Yeon-min's POV "Argh!" Pagsisigaw-sigaw ko lang sa mga unan ko rito. Paulit-ulit lang na nagflaflash sa isip ko ang nangyari kanina. "Pwede ba kalimutan mo na ang nangyari kanina Amaya ha!" pagkakausap ko sa sarili. Pero binaon ko nanaman ang ulo ko sa unan ko. Hindi ko pa rin talaga makalimutan yung ginawa ni Kyung-so pero bakit nga naman niya yun ginawa? "Amaya ano 'yan?" Napaupo ako at tumingin kay mama na gulat dahil bigla-bigla nalang siyang papasok sa kwarto ko. "Ah wala po," sagot ko nalang naman. "Matulog ka na ha, may pasok pa kayo bukas," sabi ni mama. "Opo," sagot ko nalang kaya sinara na rin muli niya ang pinto ng kwarto ko. "Kyaahhhh!" sigaw ko nalang muli sa unan ko nang tuluyan na ngang makalabas si mama. Nang umayos ulit ako ng upo. Hindi naman ako kinikilig eh. Oo

