Seol-hee's POV "Magpeace sign naman tayo." "Ganito ba?" "Oo," sabi ko habang natatawa pa dahil pati pagpeace sign hindi alam. Pinindot na nga niya ang capture sa phone ko. For memory lang habang nandito kami sa open field kung saan kami palaging tumatambay ni Amaya. "Ang cute ko rito," sabi ko naman nang chinecheck ko na ang mga pictures na cinapture niya sa phone ko. "Always ka namang cute," sabi niya habang nakatingin sa malayo. Naningkit lang ang mata ko sa kanya dahil pano niya nasasabi yun ng seryoso ang ekspresyon sa mukha. "Isa pa," excited ko namang sabi sa kanya. "Ikaw na humawak," sabi naman niya na sinang-ayunan ko nalang dahil mula pa kanina ay siya na ang humahawak ng phone para magpicture sa amin. Kaya hinawakan ko na ng maayos ang phone at nang pinindot ko na ang ca

