Yeon-min's POV
Naglalakad na ako muli papuntang library, hindi naman din matagalan ni Seol-hee ang pagpunta dito kaya nagpaalam nalang siyang maglibot-libot muna sa campus.
Kumuha na rin ako ng libro para basahin nang pumukaw muli sa pansin ko ang libro kahapon. Wait, bakit nandito 'to. Parang kahapon lang nasa kabilang shelf ito. Out of curiousity ay kinuha ko na muli ang libro at binuklat sa first page. Naghanap na rin ako ng mauupuan ko. At binabasa ng tahimik ang libro nang naramdaman kong may tumabi sa 'kin kaya napatingin ako kung sino iyon at nakita kong si Kyung-so nanaman.
"Ikaw nanaman?!" sabi ko at napatayo. Napatingin naman ako sa paligid ko ng nag-shh sound sila kaya tumahimik na rin ako.
Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy nalang din ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng library. Nasama ko na nga rin ang mga libro na balak kong basahin.
"Wait, ano bang nagawa kong mali ha," tanong niya. "Bakit ba patuloy kang lumalayo sa 'kin," tanong niya dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad at hinarap ko siya.
"Kung sa tingin mo makukuha mo ako ng ganun kadali gaya ng mga ibang babae mo pwes nagkakamali ka, hindi ako mahuhulog sa isang katulad mong chickboy," sabi ko bago tuluyang umalis. Hindi na rin naman na siya nagsalita pa kaya tuluyan na nga akong naglakad palayo roon.
Nagtungo na rin ako sa susunod na subject namin ngayon, hindi ko na rin naitext si Seol-hee at nagbasa nalang ako ng libro habang naghihintay sa kanya dito sa room. Hanggang sa nabasa ko na ang chapter 2 ng libro, hindi ko nga din alam kung bakit ko ito binabasa. Pero pansin ko na umpisa palang eh interesting na kaya naisipan kong tignan kung sino ang author at napalaki ng literal ang mata ko nang makita ko ang pangalan niya. Siguro hinahabol niya ako kanina kasi gusto na niyang kunin ang libro niya. Pinalo ko naman ang ulo ko ng maraming beses dahil sa realization na iyon.
"Bakit mo pinapalo ang ulo mo?" Napatingin naman ako kay Seol-hee na parang hiyang-hiya at umob-ob nalang ako sa armchair ng upuan ko. "Ano ba nangyayari sa 'yo Amaya," tanong lang niya at ilang sandali na nga ay dumating na nga ang prof kaya nagsiayos na rin kami ng upo.
"Ilabas niyo ang textbook niyo sa page 59," sabi ng prof namin at yun naman ang ginawa naming lahat.
Natapos ang klase namin after nun ay lunch time na kaya dali-dali kaming nagpunta ni Seol-hee sa cafeteria para umorder ng pagkain namin. Gutom na gutom kami kaya kumain na kami agad. Nang hindi ko inaasahan na dadating ang F3 na tinatawag sa eskwelahang ito. Hindi rin kasi sila usually kumakain sa cafeteria, bali-balita ko na kumakain sila ng lunch sa hide out nila dito sa school. Hindi ko alam kung pano at bakit pero binigyan sila ng specific na room para maging hide out nila. Wala ngang nakakaalam kung nasan eh, sila lang tatlo.
Nagtungo sila sa table namin habang kumakain palang kami. Naalala ko yung libro, syempre dala-dala ko pa rin naman yung libro hanggang dito kaya nilabas ko ito agad.
"Ahh yung libro mo," sabi ko, tumingin lang siya sa 'kin saka kinuha ang libro sa kamay ko. "Ikaw pala ang author niyan, hindi ko alam," sabi ko lang muli at pinahawak lang sa isang kasama niya pero hindi ko maintindihan kung bakit tinaboy niya ako at hinawakan ang kamay ni Seol-hee.
Gulat ako dahil sa ginawa niyang iyon, pati si Seol-hee ay hindi maipinta ang mukha dahil doon.
"Gusto ko lang iannounce sa buong campus na girlfriend ko na ngayon si Seol-hee," sabi niya at ngumiti sa kanya.
Hindi naman din maitago ni Seol-hee ang kilig niya sa kanyang mukha. Tinignan ko siya ng mariin baka sakaling maalala niya yung pinangako niya sa 'kin pero umiwas lang siya ng tingin.
"1 week rule," rinig naman naming sabi-sabi ng nandun sa cafeteria.
At napatingin muli ako sa kamay nila nang mas hinigpit pa ni Kyung-so ang pagkakahawak dito.
"I will be damn serious this time," sabi niya at tinangay na nga si Seol-hee.
"Seol-hee, saan kayo pupunta," sabi ko pero hindi nila ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa tuluyan na silang nakaalis sa cafeteria.
Napaupo nalang ako. Pano na yung prinomise ni Seol-hee sa 'kin na hindi niya hahayaang maging girlfriend ni Kyung-so pero nagpadala nanaman siya sa emosyon niya. Nagpatuloy nalang akong kumain habang iiniisip iyon, hays.
Pagkabalik ko ng klase ay tinext ko na rin agad siya ng madaming messages. Pero walang response ni isa kaya tinago ko nalang din ang phone ko at nagfocus nalang sa pagbabasa. At hanggang sa meron na ang prof namin pero wala pa rin si Seol-hee kaya once more ay tinext ko siya ulit at gaya nga ng mga naunang text ko ay hindi rin niya rineplyan.
Nagstart na ngang magroll call si ang prof namin ngayon para sa attendance.
"Choi Yeon-min?"
"Present," sagot ko.
"Shin Seol-hee?"
As expected ay walang sumagot dahil wala naman si Seol-hee dito.
"Shin Seol-hee?" pag-uulit ng prof.
"May date siya miss," sagot ng kablockmate ko. Siguro nasaksihan din niya kanina yung nangyari sa cafeteria.
"Anong may date," tanong din naman ng prof.
"Bagong girlfriend ni Kyung-so miss," sagot naman ng isa ko pang blockmate.
"Batang yun talaga," sabi pa niya at sinapo pa ang ulo.
Pinagpatuloy nalang din niya ang pagtuturo. Bumuntong hininga nalang ako dahil sa ginagawa ni Seol-hee. Hindi naman din siya ganito dati eh pero nakilala lang niya si Kyung-so nagcucutting na rin siya. Natapos na ang klase namin at nang palabas na ako ng classroom ay sumalubong siya sa 'kin.
"Tapos na ba ang klase," tanong niya na naghahabol ng hininga dahil sa pagtakbo niya.
"Alam mo naman ang time ng klase natin 'di ba," sabi ko at naglakad na palayo.
"Amaya sorry na," sabi niya pero hindi ko siya inimik. Sabay lang kaming naglakad sa hall palabas ng gate dahil yun na din naman ang last subject namin ngayong araw. "Amaya, kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya kaya hinarap ko na siya.
"Seol-hee ano na yung promise mo sa 'kin ha? Nawala nalang yun na parang bula, saka kelan ka pa natutong magditch ng klase. Seol-hee naman, hindi ikaw 'yan. Binago ka na ni Kyung-so," sabi ko. Hindi siya makasagot-sagot sa 'kin, nakatingin lang siya sa ibaba kaya nagpatuloy nalang din ako sa paglalakad pero napatigil din ako sa aking mga paa nang may kotse na dumaan at tumigil sa gilid ni Seol-hee. Nilingon ko naman ito at sino pa nga ba.
"Sakay ka na," sabi ni Kyung-so kay Seol-hee.
"Ahh huwag na," pagtanggi naman ni Seol-hee sa kanya.
"'Di ba girlfriend na kita kaya okay lang na sumakay ka sa kotse ko," pagpumilit naman niya.
Tinignan pa niya ako bago tuluyang sumakay sa kotse ni Kyung-so. Sige lang pakasaya ka lang Seol-hee, sinasabi ko sa 'yo sasaktan ka lang niya eh ayaw maniwala. Nagpadabog ako nung tuluyan na silang makalayo.
Kaya no choice din ako kundi magcommute mag-isa.
*
Kyung-so's POV
Nandito kami ngayong tatlo sa hide out namin habang wala pa kaming mga klase. Nag-iisip lang ako ng malalim kung pano ako mapapalapit kay Yeon-min. Hindi naman din siya madaling lapitan, pero may isa lang siyang ayaw at yun ay ang mapalapit sa kaibigan niya na si Seol-hee.
"May idea ako," sabi ko dahilan nang pagtingin nilang dalawa sa 'kin.
"Ano namang idea?" tanong naman ni Dan-oh.
"Pano kung gawin kong girlfriend si Seol-hee para mapalapit kay Yeon-min," sabi ko pero hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang nagulat si Kai.
"Huwag siya bro," sabi niya at tumayo pa siya mula sa kinauupuan niya.
"Huh? Ngayon ka lang yata nangealam sa balak ko sa ibang mga babae sa campus ha," sabi ko naman.
Nag-iwas siya ng tingin.
"B-basta huwag siya bro," sagot niya na ikinabigla ko rin. "I don't let you hurt her," sagot niya at aalis na sana nang hinila ko pa balikat niya para humarap sa 'kin.
"May gusto ka ba sa kanya?" tanong ko pero gaya kanina ay nag-iwas lang siya muli ng tingin sa 'kin.
"B-bakit naman ako magkakagusto sa kanya," sagot niya pero hindi pa rin makatingin-tingin sa 'kin.
"Kung ganun hayaan mo ako sa kung anong gusto kong gawin sa kanya," sagot ko.
"Then It'll make you a jerk," sabi naman niya at nagpatuloy na muli sa paglalakad pero may sinabi pa ako na ikinatigil niya sa paglakad.
"Matagal na akong jerk," sabi ko. "Para makabalik lang ulit si Yeon-min," sabi ko nalang muli.
"Tsk," sabi niya at tuluyan ng lumabas ng hide out.
"Kai," pagpipigil ni Dan-oh pero patuloy pa rin siya sa paglalakad.
"May gusto ba siya sa kaibigan ni Yeon-min?" tanong ko.
"I have no idea," sagot naman ni Dan-oh.
"Tigil ka nga," sabi ko at nagbato ng throw pillow kay Dan-oh.
"Bakit nagprapractice lang ako ng english baka sakaling maging englishero rin ako gaya ni Kai," natatawang sagot naman niya.
"Tsk," sagot ko naman habang patawa-tawa pa kay Dan-oh.
Hindi ko naman din sineseryoso yung sabi ni Kai kasi may mga ganitong away na rin kami na hindi naman malaki. At nagkakaayos din kami agad.
"Mayang lunch ko iaannounce, I'm sure meron siya dun mamaya," sabi ko.
"Sigurado ka talaga sa sinabi mo," tanong naman ni Dan-oh na hindi makapaniwala.
"Oo naman, mukha ba akong nagjojoke?" tanong ko naman.
"Sabi ko nga hindi," sagot naman niya at nanahimik nalang.
Bumalik na rin kami sa mga klase namin at nang lunch time na ay naencourage ko rin si Kai na sumama sa 'min. Naglalakad na kami papunta sa cafeteria. As usual pinagtitinginan kami ng bawat babaeng nadadaanan namin. Hanggang sa nakaratingin na nga kami dun, gulat pa ang iba dahil hindi naman kami nagpupunta ng cafeteria.
Pagpasok namin ay hinahanap ko agad nasan nakaupo ang dalawa. At nang nakita ko na nga ay pinuntahan ko agad ang table nila. Nang napansin kami ni Yeon-min na paparating sa table nila ay may kinukuha siya sa bag niya, at nilabas niya mula rito ang libro na sinulat ko.
"Ahh yung libro mo," sabi ni Yeon-min tumingin naman ako sa kanya saka kinuha ang libro sa kamay niya. "Ikaw pala ang author niyan, hindi ko alam," sabi niya lang muli at pinahawak ko lang kay Dan-oh ang libro pero tinaboy ko siya at hinawakan ang kamay ni Seol-hee.
Pansin ko pa ang pagkagulat sa mukha niya nang gawin ko yun.
"Gusto ko lang iannounce sa buong campus na girlfriend ko na ngayon si Seol-hee," sabi ko saka ngumiti sa kanya.
Pansin ko rin na tinignan siya ng mariin ni Yeon-min na parang may pinapahiwatig.
"1 week rule," rinig naman naming sabi-sabi ng nandun sa cafeteria.
Pero mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay ni Seol-hee.
"I will be damn serious this time," sabi ko at tinangay na si Seol-hee mula roon.
"Seol-hee, saan kayo pupunta," sabi ni Yeon-min pero hindi na namin iyon inintindi at lumabas na rin kami ng cafeteria.
Hindi na rin yata natapos ni Seol-hee ang pagkain niya pero tinangay ko nalang siya.
"Sandali, si Amaya," sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan.
"Give me your phone," utos ko at binigay naman niya.
Nilagay ko na doon ang phone number ko. Nang napatingin siya sa wrist watch niya.
"Oh, may klase pa ako-" sabi niya pero hinila ko nalang siya ulit.
"Kyung-so ano bang ginagawa mo," sabi ni Kai pero hindi ko siya pinansin.
Tinangay ko siya hanggang sa hide out namin.
"Kyung-so 'di ba bawal tayong magpasok dito ng iba," sabi naman sa 'kin ni Dan-oh.
"Boyfriend na niya ako at girlfriend ko na siya, bakit naman bawal pa?" sagot ko na ikinagulat nila.
Nang hinawakan ako ni Kai sa braso.
"Wala ka pang dinadala dito sa mga naging girlfriend mo, bakit ngayon lang?" tanong pa niya.
Nagsmirk ako sa kanya at inakbayan si Seol-hee.
"Sabi ko sa inyo magseseryoso na ako," saad ko na ikinailing lang ng ulo ni Kai.
"Tsk," sabi lang niya at umalis na ng hide out.
"Maglambingan lang kayo diyan hangga't gusto niyo," sabi rin naman ni Dan-oh at sunod din siyang lumabas.
Anong problema ng mga yun.