“Ano ka ba bakit ka nag papadaig sa babaeng yun. Doctor ka mataas ang pinag aralan sya. Katawan lang nya ang gamit nya kaya sya umangat sa buhay. Mag isip ka nga bea.” galit na wika ng ina habang iiyak iyak si Bea sa ina ng sabihin na umalis ang mag iina kasama si Ivo. “Nandito ka na nakatira. Ang laki na ng chance mo. Oo may anak sila pero ikaw mag kakaanak ka na din kay Ivo.” “Pero ma’ paano kung malaman agad ni ivo ang katotohanan na hindi naman talaga sya an—— “Manahimik ka ang bunganga mo.” mabilis na saway ni Belinda sa anak. “Kailangan makasal kayo ni Ivo kahit anong mangyari. Kailangan natin ng kayamanan ng mga montenegro. Si ivo nalang ang pag asa natin kaya umayos ka. Sayo naka salalay ang buhay natin lahat.” “Mama naman paano nga ako makakalaman 4 ang anak nila.” ngumisi si

