“Pa!” malakas na sigaw ni Lux ng ilabas ng ama ang baril. Gitil na gitil na itinutok sa ulo ni ivo na nakaluhod sa harapan ng papa nya. Sunod sunod na mura ang pinakawalan ng ama sa sobrang galit. “No! papa..please.” sigaw ni Lux ng biglang senyasan nito ang mga tauhan na hawakan sya. Sunod sunod ang tili at sigaw ni Lux ng makitang inutos ng ama na bugbugin si Ivo ng 4 na bodyguard ng ama. “Trinitivo lumaban ka! Wag kang tanga papatayin ka nila.” sigaw ni Lux. Sinubukan naman ni Ivo na lumaban pero kahit magaling man si Ivo sa suntukan ano laban nito sa mga high caliber guards nila. “Papa stop it! Kapag napatay nyo sya hinding hindi na kami uuwi ng Netherlands.” sigaw ni Lux. itinaas naman ni Liam ang kamay kaya huminto ang mga ito sa pag suntok at pag sipa kay Ivo. Sabog sabog na an

