“ALEEYAH.” Tawag ni Eon sa kanya ng matapos niyang ihiga ang mga bata sa kama, mukhang napagod ang mga anak niya sa paglalaro kanina. Siya naman ay pagod na pagod din sa kaiiwas niya kay Eon. “Pagod na ako.” She rolled her eyes when she heard him said those words para kasing bata itong nagsumbong sa Mama nito na pagod na ito. “Matulog ka na Eon kung pagod ka na.” “Nangangati na ako sa suot ko gusto ko ng maligo pero hindi ko magawa dahil sa sling sa braso ko.” Hinarap na niya ito at minuwestrang lumapit sa kanya na agad naman nitong sinunod. “Umupo ka.” Nang makaupo na ito at hinawakan niya ang laylayan ng suot nitong shirt at akmang huhubarin na ng hawakan nito ang palad niya. Mabilis niyang nahila ang kamay niya pero hindi nito iyon biniti

