“WALA akong damit at pawis na pawis na ako Ainsley.” Kanina pa siya umuungot sa kaibigan niya dahil gusto na talaga niyang umuwi, hindi kasi siya komportable sa ideyang pwede silang magsama ni Eon sa iisang silid kahit na kasama ang mga bata. “Kailan ka pa nagkaproblema sa pagtulog dito ng walang damit? May mga damit ka kaya dito kung nakakalimutan mo pati na rin ang kambal may mga damit din dito.” “Nakakadisturbo na kami sa loving moments ninyo ni Hendrix—arayyy!” napahawak siya sa ulo niyang binatukan nito. “Manahimik ka nga mas matanda pa rin ako sa iyo kaya huwag mo akong itukso sa kanya.” Napansin niya ang pamumula nito kasabay ng paglungkot ng mga mata nito. “Bakit ba kasi nagbigay ka pa ng mga kondisyones na iyon ayan tu

