“MAMA inaway niyo po si Boss bakit po masama po ang mukha niya para siyang big big blue monster, iyong friend ng green na circle na may one eye lang sa monster university.” Takang-tanong ni Paris ng madatnan nila ito sa bench sa labas ng school nito, hindi niya alam kung paano sasagutin ang anak niya dahil kahit siya ay hindi alam kung ano ang nangyari sa Tatay ng mga ito. Hindi na nga lang niya binanggit ang pangalan ni Riq dahil baka mas lalong suMama ang mood nito. Naiintindihan naman niya ang ipinagpuputok ng butse nito, ayaw nitong naiisip na inaagawan ito ng iba ng karapatan sa mga anak nito. Kahit anong sabihin niyang assurance dito na hindi maaagaw ang mga bata dito ay hindi pa rin nagbabago ang pagkakakunot ng noo nito, pakiramdam niya ay sasabog na nga ang

