TT - 16

3760 Words

          Hindi niya alam kung ano ang pakulo ni Eon pero hinayaan nalang niya ito dahil nasa harap sila ng mga bata. Ayaw niyang nakikita sila ng mga anak nila na nag-aaway masyadong matalino ang mga anak niya, alam ng mga ito na hindi sila normal sa pamilyang nakikita nito sa mga kaklase ng mga ito, ayaw na niyang dagdagan ng pasanin ang mga bata.             “Don’t you eat spaghetti?” untag sa kanya ni Eon ng napansin nitong kumakain lang siya ng french fries, hindi naman talaga siya gutom.             “I don’t.”             Kumunot ang noo nito. “Bumibili ako ng spaghetti noon bakit kinakain mo?”             Tumingin lang siya dito at pilit na inaalala ang sinabi nito at muntik na niya itong suntukin ng maalala nga ang sinasabi nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin at kinuha ang ca

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD