“NICE.” Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses na narinig niya. “Brix!” bulalas niya ng makilala niya ito. “Nasaan si Spencer?” “Kausap ang mga anak mo mukhang tuwang-tuwa ang anak ko sa dalawa.” She chuckled, nag-aayos na sila para sa pagpunta nila sa bahay ni Clive. Nakuha na kasi niya ang cellphone niya mula kay Eon sinabi lang ni Clive sa kanya na okay na ang pakiramdam ni Keia at nagpapasalamat ito sa pagbigay niya ng number ng restaurant. “Nasaan ang kasama mo?” Tanong nito. “Kinuha lang ang kotse.” “Mukhang masaya ka na ngayon I can see it through your eyes and face.” Ngumiti siya dito. “Halata bang masyado?” biro niya sa kausap. “You are inlove.” Namula siya sa sinabi ni

