“Papa.” Tawag niya sa Papa niya na nasa kanyang tabi, nasa may garden ang dalawang kapatid niya na abala sa pagPapaligo sa kanilang golden retriever na si Leyon kasama ang Mama nila. Ayaw niyang mabasa kasi sabi ng Mama niya kapag nabasa siya at mula pa siya sa paglalaro ng basketball ay baka mapasma siya nakakawala daw ng pagkagwapo iyon kaya umiiwas siya. Hawak niya ang kanyang iPad at nagbabrowse ng mga pictures nila ng biglang may mapansin siya kaya tinawag niya ang pansin ng Papa niya na busy sa pagbabasa ng newspaper. “Hmn?” sagot lang nito. “Papa, bakit iba ang kulay ng mga mata ni Mama at nina ate sa mata ko?” matagal na niyang tanong iyon, iba ang kulay ng mata ng Mama niya at ng mga kapatid niya sa kanya. Hindi naman sa naiinggit
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


