“ANG ganda mo po Mama.” Narinig niya ang pagkamangha sa boses ni Paris ng tingnan siya nito. Sinadya niya talagang magmukhang tao sa gabing iyon dahil sisimulan na niya ang plano sa paghahanap ng pwedeng maging ama ng kanyang mga anak at makakasama niya sa buhay. This time gagawin niya ito hindi para sa sariling kapakanan niya kundi para sa kanyang mga anak. And Riq is a good option, masama mang isipin pero nagiging option na niya ito, she likes Riq as a friend pero hindi pa niya nakikita ang sariling nakatali dito. Para kasing napaka-unfair para sa binata dahil nga sa single mother na siya. Kahit na sinabi nitong wala naman talagang problem still hindi pa rin niya maiaalis sa isip niya na mas bagay dito iyong babaeng hindi katulad niya. She’s tainted… beautifully ta

