BINUKSAN ni Eon ang hood ng kotseng umuusok habang ang cellphone ay nakadikit sa kanyang teynga at kausap ang kanyang nakababatang kapatid. “Kuya faster naman I really need my project na.” “Nasa parking lot na ako hindi ako makapagpark ng maayos dahil nasira ang kotse ko.” Tinawanan siya ni Ainsley sa kabilang linya. “Seriously kuya nagmamay-ari ka ng isang racing track with the best racing team tapos masisiraan ka ng kotse? That’s funny though.” Nang-aasar na naman ito. “Pinapapunta mo ako agad-agad kagigising ko nga lang.” “Hindi ka kaya umuwi sa house kagabi.” Ngumisi lang siya sa sinabi nito at sasagutin na sana ang kapatid ng bigla nalang itong magsalita. “Please lang inosente pa ang isip ko don’t tell me your

