Papasok sana ang lalaki ng mabilis niyang naiharang ang katawan niya sa lalaki, kunot-noo pa rin siya at pilit na inaalala kung saan niya ito nakita at kung bakit nito sinabi na anak nilang dalawa si Paris at London. “Teyka lang, sino ka ba?” Muli itong napatingin sa kanya, she closed the door and even locked it para hindi ito makapasok. Hindi niya ito kilala kaya hindi siya Papasigurado sa kaligtasan ng kanyang mga anak. “You don’t really remember me, do you?” mayabang na tanong nito sa kanya na ikinakunot lang ng kanyang noo. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa pero wala talaga siyang maalala tungkol sa lalaking ito o anumang katiting na alaala mula sa lalaking ito. “I understand then you were too drunk then.” Mas lalong

