Walang pagdadalawang-isip na hinila ni Cazcoe sa kamay si Caridad. Nakangiti pa ito at may bisitang kausap habang nakahaplos sa impis pang tiyan. Nagulat ang nga naroroon sa ginawa niya. Maging si Cari ay napamulagat. “Coe? A-ano’ng ginagawa mo rito?” “I should ask you the same question. Ano ang ginagawa mo rito?” Umakmang hahakbang palapit sa kanila ni Caridad si Pablo, subalit pinukol niya ito ng matalim na tingin. Nagtatagis ang mga bagang niya. “I dare you to take another step. Gawin mo, hinahamon kita.” The anger in his eyes could cut anyone in two right now. Parang sasabog ang dibdib niya sa pagkapoot. Kung wala lang si Cari na alam na niya ngayong nagdadalangtao ay kanina pa niya binasag ang mukha ni Pablo. “Mr. Vizcarra—” “Oh, I can’t wait to hear you scream when I cut your fil

