Napapikit ako sa nabasa kong message ng kapatid ko. Marami na siyang message sa akin ngunit hindi ko lang napansin kase naka silent. Nag vibrate naman ito kapag merong text o tawag pero ngayon lang naka silent. Siguro pinalitan ni king, siya lang naman ang may hawak ng phone ko. Kaagad akong tumakbo papunta sa parking lot. Wala ng masyasong tao at mabibilang nalang sila. Kaagad hinanap ng mata ko ang kotse ng kapatid ko at hindi naman ako nabigo dahil saktong umilaw ito at bukod don ay kilala ko rin ang kotse ng kapatid ko. Kaagad akong lumapit doon at walang ano anong pumasok. Kaagad akong nag seabelt. Hinabul ko muna ang hininga ko upang bumalik sa normal ang heartbeat ko. Kaagad kong tinanggap ang tubig na nilahad sa akin ni sky. "Bakit ang tagal mo?.." Masungit nitong tanong kaagad

