"Pwede pa picture?." Alinlangan nitong tanong sa akin. Pumula ang kaniyang pisngi bago siya bahagyang naphilot sa kaniyang batok, tila nahihiya. Natigilan ako at nakaramdam kaagad ng pagkailang. You know, homeschooled ako at bago ito sa akin, napamaang ako bago ko nilingon si Eros na namamanghang nakatingin sa lalaking kaharap ko. Panigurado type niya. Kahit ilang sandali lang kaming magkasama ni Eros, kilala ko na ito lalo na pagdating sa paglalandi. "Oo naman.." Nagulat ako ng si Eros ang sumagot na nakangisi habang nakatingin sa akin. Tiningnan ko siya na nagtatanong pero tinulak niya lamang ako palapit sa lalaking hindi ko kilala, basta captain sa kabilang team na kalaban nina King. Speaking of them. Napalingon ako sa banda ng ka team nina King na nakikipag batian din sa mga fans. W

