KYLEE POV. "Talaga?.." Hindi makapaniwalang sabe ko. Tumawa siya na ikinanguso ko. Dahan dahan siyang tumango sa akin saka naman bumaba ang aking mata sa kaniyang labi na kinagat niya. Napalunok ako! "So hinintay mo ba ang message ko?." Nakangiti niyang tanong pero hindi kaagad ako nakapagsalita dahil natulala ako sa kaniyang ngiti. Kumurap kurap ako saka napa upo ng maayos. Hindi na ako mapakali at hindi ko alam kung aamin ba ako o hindi pero natagpuan ko nalang ang sarili kung dahan dahan tumango na ikinapula ng aking pisngi. Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos kong narinig ang kaniyang dahilan kung bakit hindi man lang siya nakapag message sa akin. Tinikom ko ang aking bibig at baka kung ano pa ang masabe ko. Hindi ko siya matingnan dahil ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.

