20 WILLIAM POV: "P-pano nyo po nagawa yon papa?" Rinig kong tanong ni Regina, nandun siya sa may taresa ng condo niya. Hindi ko mapigilan ang lapitan siya at yakapin mula sa likod niya, kahit pa madiing bilin niya na wag ko siyang lalapitan dahil gusto niyang maka-usap ang papa niya ng masinsinan. Humagulhol nang iyak si Regina, kahit pa hindi ko naririnig ang sinasabi ng papa niya ay alam ko na inamin na nito kay Regina ang totoo. Niyakap ko siya nang mahigpit, ayaw ko siyang nakikita na umiiyak lalo na at nagdadalang tao ito sa unang anak namin. "Tama? Hindi po yon tama papa! A-ang sama nyo papa! Nagawa nyo akong saktan! Alam nyo kung ganu kasakit ang naramdaman ko noon papa!" Lalong lumakas ang iyak nito. "Shhh... tahan na baby baka makasama yan sa baby natin," malambing bulong ko

