22 REGINA POV: MISS NA MISS KO NA SIYA! Ilang araw ko na siyang hindi nakikita, tumatawag ito pero hindi ko sinasagot, naiinis parin kasi ako sa biglaang pag-alis nito ng walang paalam. Nag-sawa na yata ito sa'ken dahil buong araw na itong hindi tumatawag. Hindi ko rin maiwasan ang mag-alala, baka kasi kung napano na ito. Bakit kasi hindi pa sabihin saken ni Kuya Axel, kung saan nagpunta ang kaibigan nito! "Cous. Ito na ang pinabili mo na mansanas, sobrang lutong nito Regina." Agad na sinamaan ko nang tingin si Kuya Axel, sa biglaang pagsulpot nito sa harap ko. Dalawang araw ko na rin kasing pinag-titiyagaan ang mukha niya, pero okey lang naman dahil may nauutusan ako. "Kuya Axel." Napalabi ako habang parang batang nakatingin sa kanya, kumunot ang noo niya. "Bakit Regina?" Halata sa

