24 REGINA POV: "W-william, hindi ka ba uuwi?" Agad na tanong ko sa kanya nang makalabas ito sa banyo, pinipilit kong hindi tumtingin sa ibabang parte ng katawan niya dahil tanging tuwalya lang na puti ang nakatapis sa beywang niya. Napalabi ako nang makita ko na nginisian lang ako nito bago dumeretso sa walk in closet ko. Alam ko may mga damit duon si kuya Axel, hindi ko na kasi inalis dahil akala ko ay hindi ako magtatagal dito. Hinintay ko nalang itong matapos, ilang minuto lang naman ay lumabas na siya. Pinapatuyo nito ang buhok gamit ang puting tuwalya, hindi ko mapigilan ang mapakagat labi dahil tanging boxer lang ang suot nito at kitang-kita ko ang naka-umbok sa gitnang bahagi ng hita niya. "William." Napairap nalang ako nang hindi ako nito pinansin, pumasok ulit ito sa banyo,

