26 REGINA POV: Nang makapag-ayos na kami ni William, ay mag kahawak kami ng kamay na lumabas sa kwarto. Hindi ko mapigilan ang mapasinghap nang makita ko na hindi lang nag-iisa ang mommy ni William, na nakaupo sa may sofa kasama na nito si nina mama na nagkakape at masayang nagku-kwentuhan. Naramdaman ko ang pagpisil ni William sa kamay ko. "Mom, tita, tito." Tawag pansin ni William, sa magulang namin. Bumaling samin ang tingin nila na may malapad na ngiti sa labi. "Buti naman at lumabas na kayo," nakangiting sabi ni tita Wilma, lumapit si William sa mommy niya at humalik sa pisngi. Ganun din ang ginawa ko humalik ako kay mommy at daddy sa pisngi nila, kahit nahihiya ako ay lumapit din ako kay tita Wilma, na malaki parin ang ngiti sa labi, katulad nang ginawa ko kina mommy ay humalik d

