12 REGINA POV: PAGKATAPOS nang nangyari samin sa kotse niya ay bumalik na kami sa hotel room namin. Inayos namin ang gamit namin dahil balak na namin umuwi sa Manila, pinagtinginan pa ako ng mga tao sa hotel dahil sa suot ko, tanging coat lang ni William ang suot ko dahil sinira niya ang gown ko. Mahaba naman ang coat kaya lampas sa puwet ko pero kung makatingin ang mga tao sakin akala mo nakagawa ako ng malaking kasalan. Pero nakapagpalit din naman ako nang makapasok kami sa hotel room namin. "Waka kana bang nakalimutan?" Agad na tanong ni William nang makapasok ito sa kotse. Umiling ako dahil wala naman talaga akong nakalimutan. DUH! Tanging maliit na bag lang ang dala ko dahil kinidnap niya ako. Tahimik lang kami habang nasa byahe, ilang beses kong narinig ang pagbuntong hininga ni

