16 REGINA POV: Napa-nguso ako nang magising ako na wala sa tabi ko si William, gusto ko pa naman na mukha niya ang una kong makikita pag-gising ko. Gusto ko rin maamoy ang mabango at natural niyang amoy, ewan pero mukhang na-aadik ako sa amoy niya. Humikab ako at ini-inat ang kamay, iginala ko ang tingin ko, napa-ngiti ako dahil ngayon ko lang napag-masdan ang loob ng kwarto niya. Halatang lalake ang may-ari ng kwarto dahil sa desing. Napadako ang tingin ko sa kabinet na hindi kalayuan sa kama, hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti dahil sa mga larawan na nasa-ibabaw noon, kahit malayo ay kilalang-kilala ko yon! Kaming dalawa yon, hinalikan nya akonsa pisngi ko habang sobrang ang ngiti ko duon. "Nasa'n kaya ang lalakeng yon?" Napalabi ako nang maalala na iniwan nya pala ako mag-isa sa mal

