6 Masaya akong nakikipag-kwentuhan kay Chester, ka-team ko sa project. Masaya itong kausap, kahit ilang linggo palang kaming magkakilala ay wala na kaming hiya-hiya. Masasabi ko na isa siya sa mami-miss ko pag bumalik na ako sa America. "Ayaw mo ba talagang ihatid kita?" Tanong ni Chester, sakin nang nasa labas na kami ng building. "Hindi na talaga, isa pa may sasakyan ako," nakangiti kong sagot, napalabi ito. "Ako kasi wala eh, sayang akala ko makaka-libre na ako." Hindi ko mapigilan matawa, loko talaga gusto lang pala sumabay. Napa-iling nalang ako, akala ko seryoso ito na gusto akong ihatid pero gusto lang pala ng libre. "Sige na ihatid mo na ako, pero kotse ko ang gamit," natatawang sabi ko dito, para naman nagliwanag ang mukha nito. "Talaga? Ako magda-drive ha?" Excited na tano

