MAYNARD "Fvck!" umigting ang aking panga ng makita ko ang ginawang pagpalo sa batok ni Eulyn Kriss, ng tauhan ni Jefferson Supsup. Kung nakakatupok lang ang masamang tingin ko sa mga tauhan ni SuSup ay kanina pang mga nagliyab at nasunog. Fvck! Unti-unting nawawalan ng malay si Eulyn Kriss, kaya mabilis akong kumilos. Gago! Sa sobrang galit ko bagsak lahat ang mga tauhan ni Jefferson, na nakapalibot dito, galing sa umuusok ko pang baril. Nanlaki pa ang mata nito bumaling ng tingin sa akin. "Sino ka!?" "Ako lang naman ang magdadala sa'yo sa rehas na bakal at titiyakin kong doon ka na babawiian ng buhay." Humalakhak lang ang gago. Pagbigyan dahil huling araw na niya ito upang magsaya, pagkatapos ay nagkukumahog itong kumilos upang buhatin si Eulyn Kriss. Ngunit umalingawngaw agad ang

