Eulyn Kris Isang oras kami na kaming nagbibiyahe ni Maynard, pero hindi pa kami nakakarating sa lugar ng pinagdalhan niya sa magulang at anak ko. Inabutan pa kami ng traffic, kaya nga kanina pa ako panay tanong nang tanong sa kanya, kung nasaan ba ang anak ko? Na palagi niyang sagot sa akin ay relax at darating daw kami roon. Paano akong hindi ma-excite, si Aaron 'yon halos araw-araw kong nakakausap ang anak ko kahit sa telepono lang, pero ngayon mahigit isang Linggo, wala akong komunikasyon sa kanila. Nakikita ko sa mga signage sa kalsadang dinadaanan namin at ayon sa mga nakasulat ay going Alabang, ang tinatahak ng aming sasakyan. So, patungo kami sa Alabang? Pero ang layo naman bakit hindi na lang niya dinala sa bahay na pinag-stay-han ko, kailangan pa rito sa Alabang. Sobra akong

