EULYN KRIS Masama ang loob na humiga ako sa couch. Lentek siya. Sarap ng tulog samantala ako rito gising na gising pa. Padabog akong muling umupo. Halos magliyab ang tingin ko sa boss ko sa kama. Tss naghihilik na agad? Bilis naman makatulog hanep samantala ako rito dilat pa ang mata. Walang magawa kun'di ang humiga na lamang ulit ako sa couch. Ipinagpasalamat ko na lang meron throw pillow sa upuan at 'yon ang ginawa kong unan. Noong una hindi pa ako makatulog dahil wala akong kumot. Sanay kasi ako kapag tulog nakadantay kahit man lamang paa ko sa kumot. Mabilis akong makatulog kapag ganoon. Tumagilid ako sa pagkakahiga dahil nakikita ko pa rin ang hudas kong amo hanggang sa dalawin ako ng antok at hindi na alam ang sumunod na nangyari. Napilitan akong gumising ng tila nahihirapan ak

