Eulyn Kris Narinig ko pa ang hagikhik ni Aaron dahil sa tuwa ng kinarga ni, boss Chinito. Sinabayan ni Boss Chinito ng malutong na tawa kaya napangiti ako habang nakatingin ako sa kanila. Meron binulong si Chinito kay Aaron, at pagkatapos bumungisngis ang anak ko. Hmm…ano kaya ang kalokohan na pinagsasabi nito sa anak ko? Kasi base sa reaction ni Aaron, masaya ito sa sinabi sa kanya ni boss. Patapos yata ang pinag-uusapan dahil tumango ang anak ko at binaba ni boss Chinito. Nagpaalam pa ito kay boss na labis ko talaga pinagtakhan. “Bye po Papa, goodluck po sana sagutin ka ni Mama,” Ano raw? Iyan agad ang sabi ng nak ko kay boss. Nag thumbups si, boss Chinito rito. Aba magkasundo. Himala itong si Aaron, bagong kilala si boss Chinito, pero kuha na nito ang loob ni Aaron. Hmm…impressive n

