JUAN LEDESMA's POV "Tay, gumising ka na please.. Gusto pa kitang makasama.. Gusto pa kitang makilala.. " Naririnig ko ang isang boses na umiiyak habang hawak-hawak ang isang kamay ko at hinahalikan. Dalawang araw na itong umiiyak at nagmamakaawa para gumising ako. Sino siya? Tay, bigyan mo naman ako ng chance na maging anak sayo please.. Alam mo tay, buong buhay ko wala akong nakilalang ama.. Akala ko kasi patay ka ng talaga.." Sumisigok ito habang nagsasalita. Baka naman hindi ako ang iniiyakan nito. Baka naman may kasama ako sa kwarto. Wala na akong rason para mabuhay pa. "Lucresia ang pangalan ko Tay.. Anak ko ako kay Leonora Cruzado." Patuloy nitong kausap sa akin. "L-Lucre-sia.." Sinubukan kong sambitin ang pangalang sinabi niya. "Nurse! nurse! The patient's awake!" Pasimple

