LUCRESIA "Bakit naman ganun Kap? Hindi naman po yata tama na paaalisin lang tayo basta basta dito sa tinitirhan natin.." Tanong ko sa Kapitan namin. Nagpatawag ng meeting ang asosasyon ng mga taga-looban kasama si Kapitan Tiburcio Magundale. "Wala tayong magagawa, hija pero ganun talaga ang buhay. Nais nang kunin ng may-ari ang lupaing ito. Tatayuan daw ng warehouse ng may-ari. Pero may ibinigay silang rellocation site para sa lahat ng apektadong pamilya." "Napakalayo naman ng rellocation na yun Kap.." "Oo nga Kap, anlayo nun. Pwede bang bigyan nalang nila kami ng financial assistance para makakuha ng bahay na lilipatan." Mungkahi naman ng isa kong kapitbahay. "Bakit kami papaalisin sa lugar kung saan namin ginugol ang aming buong buhay? Dito ako pinanganak kaya dito ako mamamay!" G

