YSMAEL
Businessman Juan Ledesma and model Beatrice Perez, annulled!
Yun ang headline ngayon sa diyaryo at social media. Napakibit balikat lang ako sa balita. Gossips! I know it will die immediately after the whole world finds another topic para pagpiyestahan.
Babasahin ko sana ang buong article when my phone rang. I press the green button and answered it.
"Yes, hello?" Sagot ko sa tumatawag. I am right. Si Jimmy ang tumatawag mula sa kabilang linya. Jimmy is the one I hired to know every details of that girl who ruined my precious car.
"Boss, positive. Doon lang din siya sa malapit nakatira. Lucresia Cruzado ang pangalan nung babae." Tumaas ang dulo ng labi ko nang marinig ang pangalan ng babaeng pinapahanap ko.
Dahil kung ano ang kinaganda ng mukha at katawan nito ay yun naman ang kinapangit ng pangalan nito. Lucresia. Bagay naman pala sa kanya kasi Lucresia - Lukring, luka-luka. Sinong matinong tao ang gagawa ng isang bagay na maaaring ikapahamak niya? I can sue her for that.
"Okay send me the details about her. When I say all, I mean everything even the smallest details of her life." Mariin kung sabi sa imbestigador. Diniinan ko na ang mga salita dahil mukhang engot din tong isang to.
"Copy, boss." Mayabang na sagot naman nito sa kabilang linya.
Mayroon na akong plano para sa babae, I mean to that Lukring girl. And I can't wait na maisakatuparan yun.
"Hello!"Sagot ko na naman ng magring ulit ang cellphone ko. Istorbo naman sa momentum ko.
"Sir, saan ko pala ipapada yung mga dokumento? LBC o JRS?" Tanong ni Jimmy sa akin. Mabuti nalang talaga at magaling trumabaho ang isang ito kung hindi.
"The fastest way, Jimmy." Naiinis kung sagot dito.
"I-email ko nalang sir, to follow na yung hard copy. Medyo busy po ako dito sa opisina e." Sagot nito.
"Okay then..you have my calling card, right?" Nakalagay sa calling card na ibinigay ko sa kanya ang aking email address, so wala ng problema.
"Yes, boss. Itatanong ko lang sana kung saan ko isesend, sa sss o sa YAHOO niyo?"
Napatampal ako sa aking nuo. Gracious God! Pwede bang paturukan si Jimmy ng common sense?
"Wag na. Kukunin ko nalang diyan sa opisina mo." Sagot ko para wala na talagang problema.
"Kelan po? Ngayon na ba o bukas nalang?" Ako ba talaga ay binibwisit ni Jimmy o sadyang may common sense deficiency lang ito?
"Hindi ngayon. Hindi rin bukas. Nagbago ang isip ko next year ko nalang kukunin! Bye!" Sarcastic kung sagot dito at pinindot ang end call.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Kinuha ko ang susi ng kotse na nakapatong sa aking mesa at dali-daling lumabas.
"Call me when the board arrived. I'll be back!" I instructed my secretary when I pass by her table outside my office.
***
LUCRESIA
"Ate, saan ko ilalagay ang treasure box ni Nanay?" Tanong ni Ikay sa akin.
Kasalukuyan kaming naglilinis nga dating kwarto ni Nanay. After almost 2 years nagdecide na akong linisin at tanggalin ang mga gamit ni Nanay. Hindi pa kasi namin nagagalaw ang mga gamit nito mula ng mamatay. Nililinis namin ang kwarto pero hindi namin pinakialaman ang mga gamit nito ultimo damit sa aparador. Ngayon lang!
Lilipat na kasi ako sa kwarto ni Nanay para naman solo na ni Ikay ang kwarto namin. Dalaga na kasi ang kapatid ko kaya bibigyan ko na ng privacy at masyado ng maliit ang kwarto namin para sa aming dalawa.
"Anong treasure box ang pinagsasabi mo diyan?" Tanong ko naman sa aking kapatid. Mahilig kasi itong magbiro kaya hindi ko seniseryoso.
Inabot niya sa akin ang hindi kalakihang box, mababakas ang kalumaan nito. Yari ito sa kahoy at may nakaukit na desenyong bulaklak. Napangiti ako. May ganito pala si Nanay, hindi ko alam.
"Ate, buksan na natin. Baka may gold bar na tinago si Nanay diyan." Excited na sabi ni Ikay sa akin.
Binuksan ko ito kasi wala namang lock. Hindi man lang kami pinahirapang buksan ito. Si Nanay talaga love na love kami, hindi man lang nag-abalang lagyan ng padlock para may suspense.
Puro lumang pictures lang naman ang nakalagay sa loob ng box.. At mga papel..Sentimental masyado ang nanay ko.
"Ay ate ang cute mo pala talaga nung baby ka palang..Tignan mo si nanay parang ikaw na ikaw.. Magkaiba lang talaga kayo ng mata kasi si Nanay singkit, ikaw parang owl." Nakangiting sabi ng kapatid ko habang tininignan ang picture namin ni Nanay.
"Owl talaga, Ikay?" Tanong ko dito at nagpeace sign naman ito sa akin.
"Hala ang pogi pala ng tatay, ate. Pareho kayo ng mata. Sayang hindi ko na siya nakita."
Nabigla ako sa sinabi ni Ikay. Tatay daw. Wala akong nakagisnang ganun eh! Hinablot ko sa kanya ang lumang picture na hawak nito.
Nanikip ang dibdib ko at namasa ang gilid ng mga mata ko. Sa wakas nakita ko na ang hitsura ng tatay ko. Tama si Ikay, ang pogi ng tatay ko. Hindi ko mapigilang maging proud. Kaya pala maganda ako kasi gwapo ang tatay ko at maganda ang nanay ko.
Pareho silang nakangiti ni Nanay sa litrato habang ang kamay ni Tatay ay nasa nakaumbok na tiyan nito. Ako ang baby sa loob ng tiyan ni Nanay, sigurado ako. May family picture na ako! Isang buong pamilya na lagi kong pinapangarap.
Naputol ang pagdadrama ko nang makarinig ako ng impit na iyak. At kung makasinghot ay parang wala ng bukas. Nakita ko ang mahadera kong kapatid na nagdadrama at nakasandal sa pader, nag-walling pa yata.
"Anong nangyari sayo Ikay?" Tanong ko sa kapatid ko na may binabasang sulat. Inabot niya ang sulat sa akin at yumakap.
"Ate, thank you sa inyo ni Nanay L kasi kahit di niyo ako kadugo minahal niyo ako at tinanggap ng buong puso.." Umiiyak pa rin ito nang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit. Ngunit ramdam ko ang pasimpleng pagpunas ng sipon nito sa damit na suot ko.
Tinignan ko ang sulat na inabot nito sa akin. Sulat ni Nanay para kay Ikay. May sulat pala para sa amin si Nanay, bakit ngayon lang namin nakita?
"Te, may sulat ka din.. Tapos ito o, sulat ni nanay para kay tatay.." Inabot niya sa akin ang ang dalawang papel na katiklop.
Nangunot ang nuo ko sa sobrang pagtataka. Paano pa babasahin ni tatay ang sulat kung patay na ito?
Ang kwento kasi ni nanay kasama si tatay na nasunog sa bahay na dati naming tinitirhan. Kaya nga wala akong pictures kasama ito kasi nasa tiyan palang daw ako ng matsugi ang aking ama.
Di bale, baka gusto lang ni nanay na basahin ko ang sulat niya sa puntod ni tatay. Sa Linggo dadalaw ako sa sementeryo para basahin ito kay tatay.
Binuklat ko ang sulat ni Nanay para sa akin.
Mahal kong Lucresia,
Hindi ko ninais na iwanan ka ng mas maaga pero Diyos na rin ang nagpasya para sa akin, para sa atin anak. Hwag mo sanang sisihin ang Diyos kung mas nais niyang makapiling na ako. May mga bagay talaga na kahit gusto nating manatili sa piling natin ay hindi maaari.
Anak, alagaan mo sana si Bunso. Gabayan mo siya sa pag-aaral. Pagkamahalin mo siya at alagaan. Kayong dalawa ang aking kayamanan. Mahal na mahal ko kayo sobra pa sa inaakala niyo.
Kayo ang naging liwanag ko sa mga gabing wala akong makita. Ang haligi ko na sinasandalan kapag ramdam kong nauupos na ako na parang kandila. Kayo ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Anak, patawarin mo sana ako..Ikaw na sana ang bahalang umintindi sa akin..
Hindi ko na natapos ang aking binabasa dahil hilam na ang aking mga mata ng luha. Parang may kung anong bagay na pumipiga sa aking puso.
Masakit pa rin ang pakiramdam na mawalan ng magulang pero mas masakit pala ang malaman ang katotohanan.
Bittersweet!
I love you, Nanay!
Hanggang sa huli, hindi niya hinayaang mahirapan ako. Hanggang sa huli kabutihan pa rin namin ang iniisip nito.