BUONG pusong nagtiwala si Sheena kay Noel na magpakasal sila. Kahit na tanging ang family lawyer lang ni Noel ang dumating. Simpleng sunset beach wedding lang ang kanilang naging kasal sa mismong harapan ng bahay nila Sheena. Naging magtagumpay nilang nairaos ang kasal sa tulong na rin ng mga tao sa isla na tumulong para makapaghanda ng venue. Si Noel naman ang gumastos sa lahat. Mula sa pagkain, venue at isinuot nila ni Sheena. Matapos ang kasal, kumain na ang mga ito kasama ang mga dumalo sa kasal bago sumakay ng yate para sa makapag solo na muna silang dalawa. Hindi naman na umangal pa si aling Lidia dahil ganap ng mag-asawa ang dalawa. May parte man sa puso niya ang nalulungkot dahil wala manlang dumalong kaanak ni Noel, ang mahalaga sa kanya ay nakikita niyang napakasaya ni Sheena

