3 YEARS LATER: TAHIMIK na umiinom si Noel sa ibabaw ng malaking bato kung saan una niyang nakita si Sheena noon sa isla. Tatlong taon na ang nakakalipas, pero parang sariwa pa rin sa kanya ang pilat na dala ng pagkamatay ng pinakamamahal niyang asawa at anak. Ang pagpanaw ni Sheena na hindi manlang niya naipagluksa ang katawan nito. Hanggang ngayon ay wala silang balita kung saan dinala ni aling Lidia ang katawan ni Sheena at saan ito inilibing. Walang araw ang lumilipas na hindi ito umaasang dumating ang ginang sa isla Monteverdi. Naging maingay ang isla sa social media lalo na't si Noel ang may-ari. Kaya naman dagsaan ang mga turista sa isla at mas nakilala na ito sa loob ng tatlong taon. Kahit napaganda at sumikat na ang isla, hindi pa rin magawang magdiwang ni Noel. Dahil hanggang

