Kabanata 22

1475 Words
IT keeps on bothering him. He needs to talk to Yella. At ayaw niya nang maghintay ng ilang oras pa. Ngayon niya 'to gustong makausap kaya naman napilitan siyang lumiban sa kaniyang klase, alam niya naman na ang lesson at magpapaliwanag na lang siya sa professor niya kung sakaling hihingin nito ang paliwanag mula sa kaniya. Hula niya'y, free time ngayon si Mariella, sa library siya unang pupunta. Tama naman ang ginawa niya dahil nakasalubong niya siya roon. Kita ang gulat sa mga mata ni Mariella nang makita siya ngunit mabilis namang natauhan at saka siya nagpatuloy sa paglalakad. Lalagpasan niya lang sana subalit pinigilan naman siya ng binata.  "Sandali, Mariella. Ano ba talaga ang ibig sabihin nang sinabi mo tungkol sa heart ng kapatid ko?"  Mariella sighed. "I don't know if I am in the position to tell this to you, Jacinto. I'm really sorry." Napayuko si Mariella. "You don't need to be sorry, okay? Nasa posisyon ka kasi kapatid ko ang pinag-uusapan dito. She's precious to me, Yella. I will forever guard his heart from anything."  Humarap sa kaniya si Mariella at saka ngumiti. "Can you wait? Because you will know it. Very soon. Ayaw kong sa akin na manggaling. But I will give you a hint, you will get mad." Iyon ang mga huling salita na sinabi ni Mariella bago siya nito iwan. Hindi niya naman na siya napigilan sa pag-alis.  Jacinto clenched his jaw. Ngayon pa lang ay nagagalit na talaga siya.  SHE already knew that something was not correct was happening. Ngunit pinipigilan niya na lang din. She experienced a dream again.  "Jacinto! Pumarito ka!" Isang matandang babae ang lumapit sa kaniya, at ito ay nagngangalang Selya.  "Ano ho ang mayroon? Galing ho ako sa bahay ni Inay Lourdes. Dadaan din ho ako sa bahay ng mga Concepcion upang makausap si Hati," salaysay ng isang lalaki. Jacinto ang pangalan nito.  "May kailangan kang malaman na balita. Wala si Hati sa kanila ngayon sapagkat kakaalis niya lamang kasama si Crisanto."  Si Jacinto at Crisanto ay hindi matatawag na magkaibigan o magkaaway. Kaswal lang naman ang dalawa sa isa't isa.  Si Hati ang talagang malapit kay Jacinto dahil kay Bituin.  "Alam niyo ho ba kung saan sila pupunta?" tanong ng binata sa matanda. Bigla naman nag-iba ang ekspresyon nito. Parang takot na takot.  Nini-nerbyos.  "May m-masakit na nangyari... at napakakatindig-balahibong balita mula sa ina ni Bituin. Naroon sila ngayon upang maki—"  "TALA!" Napabangon kaagad si Tala. Gulat na gulat siya at matindi rin ang pawis na lumalabas sa kan'ya. Para saan ang malinaw na panaginip na 'yon? Hati? Sino ba talaga siya? Mukhang ang pangalan din na 'to rin narinig niya bigla noon.  "Sandali!" sigaw niya sa tumawag sa kaniya. For sure, that's her Dad. Ngunit ang panaginip niya. Kung saan naroon ang pangalan na Jacinto. Sa totoo lamang ay hindi siya sigurado kung 'yon ba ang kapatid niya sapagkat hindi naman malinaw ang mukha nito sa panaginip niya. Pati ang matandang babaeng 'yon.  Ang malinaw lamang ay ang katawan nila pati ang mga salitang binigkas nila.  Tala opened the door. "What?" Nandoon ang Daddy niya. He looked nervous. Naalala niya tuloy ang matandang babae sa panaginip niya. "Nasaan ang kapatid mo?"  Bakit siya nito hinahanap sa kaniya?  "Hindi ko alam. Hindi ko pa siya nakikita maghapon," sagot niya. Napa-facepalm naman ang Daddy niya. Ano ang meron? Hindi naman dapat siya interesado ngunit napatanong pa rin siya kung ano ang nangyayari.  Sa itsura ng kaniyang ama ay mukhang hindi maganda. "Si Lirah. Bigla na lang kasing inatake. Mukhang hindi matutuloy ang biyahe ni Lirah in a few days. I need to talk to your brother because I can't contact your Uncle Gabriel. Pati si Jacinto. Papapuntahin ko sana siya sa Uncle mo."  Napakunot lang ang noo ni Tala habang kinakausap siya nito.  Sa pagkakatanda niya ay wala namang sakit ang pinsan niya. "I'll try to call him," sabi na lang ni Tala. Tumango ang ama niya.  "Thanks. I need to go back to work." Umalis na ang ama pagkatapos. Tinawagan niya talaga si Jacinto ngunit hindi rin nito sinagot ang mga tawag niya. Nakaramdam siya ng inis. Minsan niya nga lang 'to tawagan o padalhan ng mensahe, eh, ang unresponsive pa? Nakakainis talaga 'to.  Hindi niya na siya muling tinawagan. Napatanong na lang siya sa sarili niya kung saan ba siya nagpunta at bakit hindi nito sinasagot ang mga tawag nila.  Nagbuklat na lang siya ng libro na dapat niyang basahin. Bigla niya namang naalala ang research na pinapagawa sa kan'ya ng professor niya. Ang totoo ay hindi niya pa talaga 'yon nasisimulan. Wala na siyang balak. Kapag hindi talaga siya pinasa ni Mr. Sanchez nang dahil lang do'n ay magdedemanda talaga siya.  She looked at her phone again. She saw Khrist's message there, sinasabi lang nito na may surpresa raw siya para sa dalaga. Pagkabasa niya lang no'n ay may kumatok na maid nila at sinasabing mayroon daw naghahanap sa kaniya pababa.  Mabilis naman siyang kumilos papunta roon. Siya na ang nagbukas ng pinto. Akala niya si Khrist ngunit isang delivery man lang pala na may hawak na isang bouquet ng iba't ibang klaseng bulaklak. Parang may humaplos tuloy sa kaniyang dibdib. She hated that feeling but—it's just fine.  She just claimed the flower and then umalis na ang delivery man.  Tinitigan niya ang bulaklak. She can't really believe na tumatanggap na siya ng bulaklak ngayon. At gusto niya na lang matawa dahil galing nga 'to kay Khrist. May note pa roon na kaniyang binasa.  I hope na-surpresa ka. You're so beautiful as these flowers.  —Khrist A. G.  She smiled widely, talaga bang bumibigay na si Tala? She can't imagine this, but this is really happening, and all of that is because of Khrist.  KARARATING lang ni Yella ng bahay nila, sinalubong siya ng mga makukulit niyang pamangkin na humahagikhik pa. "Tita! Nandito boyfriend mo!" bungad nila sa kaniya kaya naman awtomatikong nanlaki ang mga mata ni Yella.  Si Khrist ang agad na pumasok sa kaniyang utak kaya naman nagmadali tuloy siya na pumasok sa loob. But to her surprised, nakita niya roon si Jacinto.  Literal na napanganga si Mariella. Nandoon nga talaga ang kapatid ni Tala at nakikipagkuwentuhan pa sa nanay niya.  She faced her palm. "Oh! Nandito na pala si Yela namin!" saad ng ina nang mapansin siya. Pinilit niya na lang na ngumiti. Gusto niyang samaan ng tingin si Jacinto ngunit pinigilan niya na lang ang kaniyang sarili. Not in front of her family.  "May bago ka na pa lang boyfriend, eh, bakit ngayon mo lang sinabi sa amin?"  Anong boyfriend ang tinu—  Dahan-dahan niyang nilingon si Jacinto. Nakangisi siya sa kaniya na animo'y nang-aasar.  "Puwede ba kitang makausap?" Hindi pinahalata ni Mariella ang pagkainis.  "Yeah. Iyon nga rin ang ipinunta ko rito, ang makausap ka."  Nagpaalam naman kaagad si Yella sa ina na may pag-uusapan lang sila ni Jacinto. Hinatak na niya si Jacinto patungo sa may maliit na garden nila sa bahay.  "Anong ginagawa mo rito?" Yella asked to Jacinto.  "You know what I am doing here. Sabihin mo na kasi kung ano ang meron sa sinabi mo sa akin. Hindi na ako makapaghintay."  Napasinghap lang si Yella. Ayaw niya talagang makialam tungkol dito pero naaawa rin siya kay Tala. Kung mas tatagal pa silang magkasama ay baka lalo lang masaktan ang kapatid ng lalaking 'to.  "Wait a minute, iyong tungkol nga pala sa sinabi ng nanay ko na boyfriend kita?"  "Iyon lang ang paraan para papasukin nila ako rito. Ayaw ko man gawin pero gusto kong malaman kung ano 'yong sekreto mo. Sabihin mo na sa akin. What do you want me to do?" Pahina nang pahina ang boses ni Jacinto.   "Fine, pero kung sasabihin ko talaga ang alam ko—hindi ko 'yon sa'yo sasabihin. Di-diretso ako kay Tala. Kaya dapat umalis ka na rito para hindi ako magalit, okay?"  Wala naman nang nagawa si Jacinto nang magsimula na siyang itulak ni Mariella papalabas ng bahay nila.  "Huwag ka na babalik dito, ha, bye!"  Nakita niya na ibubuka sana ni Jacinto ang mga labi niya upang magsalita ngunit hindi niya na 'yon hinintay pa!  Mariella didn't expect that he would really come here! That's uncomfortable for her! Lalo na ang tungkol sa boyfriend! Paano niya ipapaliwanag sa nanay niya 'yon? Baka magduda lang! "THE doctors can't find why you fainted, but they suggested for you to rest for a few days." Lirah gasped as she heard those words to her mother.  Bukas na sana ang flight niya pero bakit pa siya nagkaganito? Hindi matukoy kung anong klaseng atake ang nangyari sa kaniya. She was so sure na she's healthy. Alagang-alaga nga siya ng parents niya. Ang malas niya naman.  "Basta, Ma, kapag magaling na ako, uuwi pa rin ako, ha?" Her mother nodded.  "Of course, my Baby Lirah."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD