Kabanata 46

2319 Words

NANG makarating sila Mariella sa isang bahay ay napabuga siya nang malakas na hangin. Ang ganda ng uri ng bahay na 'to. "Narito na tayo." Naniniwala na siya na nandito talaga siya ngayon sa past. Ano na kaya ang nangyayari sa hinaharap? Tahimik lang siya at dahan-dahan silang pumasok sa loob ng bahay na iyon. Halos lahat ng bagay na nakikita niya ay napaka-antigo. "Kaano-ano mo si Jacinto?" tanong ni Yella sa kaniya habang kausap ng kanilang ama at ina ang mga taong sumalubong sa kanila pagdating ng bahay daw ni Jacinto. Si Stefania na lang talaga ang kasama niya. "Alam mo naman na ang tungkol sa amin, hindi ba? Ako ay nagtataka talaga sa iyong mga kinikilos, aking kapatid. Hindi ka naman mahilig magtanong at hindi mo naman ako madalas na kinakausap." "Anong ibig mong sabihin?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD