Kabanata 13

1774 Words
“EPEKTO lang iyon ng gamot ni Mama, and Lirah will be safe to come here,” her Dad said. Tatawagin niya lamang sana ang kaniyang ina upang kumain ng niluto niyang pancakes ay ito na ang naabutan niya. Rinig niya siya posisyong ‘yon ang sinasabi ng kaniyang ama kahit na magka-usap lamang ang mga magulang niya sa pamamagitan ng isang uri ng gadget. Narinig niya rin na nag-aalangan ang kaniyang ina na ituloy ang pag-uwi niya sa Pilipinas. What is the meaning of that? Hindi naman narinig ni Lirah ang buong pag-uusap nila kaya wala naman siyang ideya kung ano nga ba ang dahilan. Mataman lang siyang nakikinig. Nandito siya ngayon sa may pintuan ng kuwarto ng kaniyang ina. Kasalukuyan kasing nasa Pilipinas ang ama. “Are you sure?” her Mom asked to her Dad. Nakita niya namang napatango-tango ang Tatay niya. Buti na lamang ay hindi siya nito napapansin. “Yes, I am, at isa pa. Nandito naman ako, papabayaan ko ba ang anak natin?” Nagkatawanan ang kaniyang mga magulang. “You know, halos lahat ng sinasabi ni Mama Benilda ay nagkakatotoo. I’m just afraid, you can’t blame me,” sabi nito. Wala sa sariling napalunok si Lirah, ano nga ba ang sinabi ni Lola Benilda sa kaniyang pag-uwi. “By the way, where’s my baby?” her father asked. Yeah, right, she will be forever, baby. Her full first name is Baby Lirah. She will be a baby forever. “She’s downstairs, she said that she wanted to cook, I let her,” sabi ng kaniyang ina. Narinig niyang bumuntonghininga ang kaniyang ama. “Parang kailan lang ang babata pa nila, ‘no?” “Oo. Parang kailan lang din buhay pa si Janice.” Janice is her Auntie, Jacinto and Tala’s mother na namatay taon na ang lumipas. “Yeah, I missed my sister’s smile,” malungkot na sabi ng kaniyang ama. “I’ll hang this up. I will call you later, and please tell my daughter that I’ll talk to her.” “But, wait,” pagpigil ng kaniyang ina. “Are we need to let our daughter go back there?” Napapikit nang mariin si Lirah, pinapanalangin niya na sana’y pauwiin siya nito sa bansa kung saan siya lumaki. Hindi puwedeng ma-postponed pa ng ilang buwan! Ilang linggo na naman nga siyang maghihintay bago tuluyang makasakay ng eroplano pabalik ng bansang Pilipinas. No’ng una talaga ay akala niya bakasyon lang ang pagpunta nila sa Switzerland, iyon pala dito na sila titira. It’s been four years yet; she still has no idea why the hell they moved. She asked his mother before pero hindi naman ito sinagot nang maayos. Sinabi lamang nito na dapat siyang mag-focus sa trabaho niya. “Yes, of course. I am here, she’s safe here. Hindi rin natin siya puwedeng biguin. Matagal niya nang gustong umuwi rito,” Lirah’s father said. Napatango-tango na lang din ang kaniyang ina pagkatapos ay natapos na ang tawag. Para naman siyang nabunutan ng tinik. It means, matutuloy pa rin siya sa pag-uwi. Nagmadali na lamang siya ulit bumalik sa kusina bago pa siya mapansin ng ina na nakinig sa usapan nila. Hinanda niya na lang ang niluto niyang pancakes. Hinintay niya na bumaba ang kaniyang ina upang daluhan siya. Hindi niya rin maiwasan na magtaka tungkol sa narinig niya. Ano ba ang sinabi ng kaniyang Lola na maaaring magkatotoo? She’s sure that it’s about her. Ilang minuto lamang ang lumipas ay bumaba na ang kaniyang ina. “How’s cooking?” her mother asked. Ngumiti na lang siya at hindi pinahalata na naguguluhan siya sa mga oras na ito. “Fine, tikman mo itong niluto ko,” nakangiting sabi ni Lirah. Ngumiti ito sa kaniya pagkatapos ay naupo sa dining chair. Pinanood niya lang ang kaniyang ina na tikman ang kaniyang inihandang pagkain. “Sarap, ‘nak. Anong syrup ‘tong ginamit mo rito?” Napakunot naman ang noo ni Lirah. Dapat alam ng ina niya iyan. Nakakapagtaka naman kung hindi. Siya pa ang nagturo sa kaniya na gumawa ng pancakes! “Hindi mo malasahan, Mama? Dapat po ay alam mo iyan,” sabi pa ni Lirah. Umismid lang ang kaniyang ina at pagkatapos ay inubos na lang ang kinakain nito. Bigla naman siyang may naisip na itanong. “Ma, tanungin nga kita, I missed my Lola Benilda so much. Can you tell me something about her?” tanong pa ni Lirah. Halata naman nagulat ang kaniyang ina sa kaniyang tanong. Tinitigan muna siya nito pagkatapos ay tumikhim. “Of course, yeah! Sure!” sabi ng kaniyang ina. “So, what’s about her? Masyado ba siyang malupit?” tanong ni Lirah. Her mother shook her head. “Hindi naman siya ganoon kalupit. Nakita mo naman na siya, ‘di ba? Madalas ay siya’y istrikto. But she’s a loving and caring woman. You know that. Pinalaki niya ang Papa mo at Tita Janice mo na punong-puno ng pagmamahal. Alam ko rin naranasan mo ‘yon. Kasi kayo ni Jacinto ay halos sa kaniya na lumaki,” kuwento nito. Her mother was right. Halos si Lola Benida nga ang nagpalaki sa kanilang tatlo, naalala niya na nandoon sila palagi sa traditional house kung saan nakatayo pa rin at doon namamalagi ang kaniyang Lola. Sinadya niya lamang talagang tanungin ang tungkol sa ‘kalupitan’ dahil baka’y mas hihigit pa sa inaakala niya ang katotohanan. “Please tell me more,” sabi pa ni Lirah. Tinitigan naman siya ng maigi ng kaniyang ina. “When you were born, halos himatayin ang Lola mo.” Biglang naging seryoso ang kaniyang ina. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam nang kaunting kaba. “Bakit po?” “Umiyak din siya no’n. Hindi ka dapat pinanganak sa ganoong araw. Masamang pangitain daw iyon,” sabi nito. “Sana raw ay ipinagpabukas ko na ang panganganak sa iyo. Kaya ko ba naman iyon? Eh, excited na excited kang lumabas at makita ang mundo.” Ngumiti ang kaniyang ina pagkatapos ay hinawakan siya nito sa kamay. Nakaramdam siya ng kaba. Siguro ay dapat niyang alamin kung bakit hindi dapat siya ipinanganak sa araw na iyon. She was born on January 1, 2000. “Your birthday is New Year, blessing din dapat iyon pero hindi natuwa ang Lola mo,” natawa na lang din ang Mama niya. Hindi na siya nakasagot. “Anyway, naayos mo na ba iyong mga gamit mo?” tanong nito. Tumango-tango naman si Lirah. “Dapat prepared ka na, halika na rito, kumain ka na rin,” sabi ng kaniyang ina. Napangiti na lang din si Lirah. “STOP staring at me like that,” sabi ng kapatid ni Jacinto. Halata sa mukha nito ang pagka-inis. Kanina niya pa kasi tinititigan ang kapatid niya rito sa kusina… dati-rati ay pinapaalis kaagad siya nito o kaya naman ay siya ang aalis kapag hindi niya sinunod. Himala at hinayaan siya nito. Sa pagkakaalam niya’y isang oras magmula ngayon ay magsisimula na ang klase ng kaniyang kapatid. Marahil, tama ang kaniyang ama, maaaring si Khrist lang ang maging dahilan ng pagbabago ng nakagawiang ugali ni Tala. Hindi niya nga maintindihan kung bakit talaga pumunta ang dalaga sa karera. Nandoon ba siya sa simula pa lang? Bakit hindi man lang siya nagpakita sa kanila? O kahit man lang kay Khrist na nag-imbita sa kaniya? Patuloy niya lang tinitigan ang kapatid niya. Inis na inis naman si Tala sa kaniya. Nakita niya pang humigpit ang hawak nito sa kutsara’t tinidor. “What?! ‘Wag ka ngang tumingin sa akin, or mas better na umalis ka na lang dito tutal tapos ka naman nang kumain,” mataray pang sambit ni Tala. Hindi niya naman maiwasang matawa. “Tell me, do you like him?” Jacinto asked. Pabagsak namang binitawan ni Tala ang hawak niyang kutsara at tinidor. “Who the hell is ‘him’? I don’t like anybody,”–tumayo si Tala–“even you, I don’t like you.” Nakita niya pang umirap si Tala bago siya nito tuluyang iwan sa kusina. Napailing-iling na lang siya bago tumayo at sinundan ang kapatid niya. “Tala, wait. Ihahatid kita.” Nasa sala na ang dalaga, inaayos ang kaniyang mga gamit para sa eskuwela. “Ihahatid ako ni Manong, huwag kang epal,” sagot naman ni Tala sa kaniya. Bakas pa rin ang inis sa pagmumukha nito. Ano pa nga ba ang bago? “Wala si Manong ngayon,” tukoy ni Jacinto sa driver nila. “Then, I’ll drive myself to school,” mabilis na sagot ni Tala. He shook his head. “You don’t know how to drive, remember? Ayaw mong magpaturo sa akin,” sabi naman ni Jacinto. Umirap lang muli si Tala. Naglakad siya papalapit kay Jacinto. Tala looked at him sharply. “Wala akong pakialam, Jacinto. Edi magko-commute ako.” Agad namang inilabas na Jacinto ang kaniyang telepono at pinakita ang mensahe ng kanilang ama. “Sabi ni Daddy, I will lift you or Khrist will do.” Natigilan at napanganga si Tala sa sinabi nito. “You choose.” “What the f**k, Jacinto. First, I don’t want to choose, kasi wala naman akong pipiliin sa inyo. Pangalawa, I am matured, hindi na ako bata.” Umirap muli si Tala. Napataas lamang ang kilay ni Jacinto. “Really? Ang matured, nakikinig. Nakikinig ka ba sa akin?” tanong pa ni Jacinto sa kaniya. Sinamaan lang siya ni Jacinto ng tingin pagkatapos ay binangga siya nito sa balikat bago siya iwan. “TALA!” Akmang susunod siya ngunit nilingon siya ni Tala. “Huwag kang susunod!” Pagkatapos ay nagpatuloy na si Tala sa paglalakad palabas ng kanilang bahay. Napangiwi na lang siya. Hindi niya talaga alam kung bakit hindi niya man lang makuha ang loob nito. Pero hindi niya naman siya hahayaan na mag-commute na mag-isa kaya susundan niya talaga siya ngunit tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito habang siya’y naglalakad papalabas ng bahay. It was Lirah. “Yes? How are you?” bungad niya kay Lirah. “Anong meron diyan? Kumusta si Lola?” tanong nito. “Okay naman siya,” he answered. Pagkalabas niya ng bahay ay nakita niyang sumakay ng taxi si Tala. “Wait, Lirah, I will just call you later, okay? I just need to do something” “Okay, take your time,” sagot ni Lirah. Ibinulsa niya na ang kaniyang cellphone at nagmadali na lang siyang pumasok sa kotse niya at agad itong pinaandar. Sinundan niya lang si Tala sa school hanggang sa makarating si Tala sa room niya. Hindi niya na rin siya nilapitan. He just make sure that she will come here safely.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD