"SHE already knew the truth," sambit ni Khrist at saka napamura. Magkakasama silang tatlo at ibinabalita niya ang nangyari. Ngunit ang kakaiba lang ay mukhang hindi naman nagulat sina Alvin sa sinabi niya. Tahimik lang ang dalawa. "Nalaman niya dahil nakita niya kaming nagtatalo ni Yella. Alam rin niya na hindi ko totoong mahal si Tala." Nagkatinginan ang dalawang kaibigan ni Khrist. Para bang nag-uusap ang mga 'yon sa pamamagitan ng isip. "Ano? Hindi ba kayo magsasalita?" Nagsisimula nang mainis ang binata. Allen sighed. "I think, hindi niya nalaman sa inyo ni Mariella 'yon..." mahinang sabi niya. "What exactly are you saying?" Khrist's forehead creased. "Narinig kami ni Tala na nagbibiruan tungkol nga sa pustahan na 'yon." Fuck. So, alam na talaga ni Tala ang lahat bago pa

