CHAPTER 37 CRYSTAL Mabigat ang talukap ng aking mga mata nang bumalik ang aking ulirat. Gumagalaw ang aking mga mata, habang pinapakiramdaman ko ang aking sarili. Parang nakagapos ang isa kong kamay sa isang bakal. Sinubukan kong ibaba ang isa kong kamay subalit parang may bakal na pumipigil dito Bumalik sa aking ulirat ang nangyari sa labas ng hospital. May tumakip sa aking ilong, kaya nawalan ako ng malay. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasa isang kamalig ako. At tama nga ang pakiramdam ko na nakagapos ang isa kong Kamay. Hindi pala nakagapos kundi nakaposas. Nakaangkla pa ito sa kadena at nakagapos sa haligi ng kamalig. Narinig ko ang boses na kumakanta sa labas. "Sa silong ni Kaka, may taong nakadapa, namumulot ng palaka, palakang may buhok. Ngipin ay nakatusok sa

