Chapter 1

2011 Words
Nagising akong may mabigat saking tyan,nang tingnan ko,nakayakap pala sakin ang lalaking nakatalik ko kagabi,dahan dahan ko itong inalis at dahang dahang bumangon,pinagpupulot ang nakakalat kong damit. Habang nagbibihis ng tahimik,pinagmamasdan ko ang mahimbing tulog ng lalaking nangangalang jax. Hindi maipagkakailang galing nga ito sa mayamang pamilya,ang bar na pinapasukan ko ay isang sikat at kilalang bar para sa mga mayayaman. Hinanap ko ang kanyang wallet,may iilang papel siyang pera at ang iba ay halos credit card na. Kinuha ko lahat ang papel niyang pera at nagtira lamang ng isang libo,siniksik ko ito sa loob ng aking dede at dahang dahang lumabas sa VIP room nitong bar. Pagkalabas ay humanap ng masasakyan at umuwi saming tirahan. Nang maka-uwi,tumingin ako sa orasan naming puno nang alikabok ngunit gumagana parin. 6:30am. Medyo mahapdi ang gitna ko ngunit nakasanayan ko na,at umaaktong walang nangyare kagabi. Nagluto na lamang ako ng almusal naming dalawa ng aking kapatid. Nang matapos maluto,ilalapag ko na sana ang niluto sa mesa nang may mahagip ang mata ko. Tiningnan ko ito at kamuntikan itapon ang pagkain dahil sa pagkagulat. "Ano ka ba naman Aziel!uso ang bumati sa umaga alam mo 'yun?" Nakasimangot lamang itong nakatingin sakin,naka-short at walang pang damit pang taas. Ini-obserbahan ako,kaya napataas ang kilay ko sakanya. Umupo na ito sa upuan"binibenta mo ba ang organs mo?"seryoso nitong tanong kaya natawa ako "Sira!sa tingin mo ang dami kong organs para tumagal ang trabaho ko ng ganito?ha?8 years Aziel"natatawa kong sambit sa kapatid saka umupo na rin,at sumandok ng pagkain saking plato. "Kung hindi organs.."pabitin nitong sambit at napaisip bago tumingin sakin ng seryoso"sarili mo ang binibenta mo?" Napalunok ako at napaiwas ng tingin"Aziel,kung ano man ang binibenta ko,wala ka nang paki-alam doon.ang importante nakakapag-aral ka,nakakakain tayo at nabibili mo ang gusto mo" "Ate,kaya kong tumigil sa pag-aaral at maghanap na lamang ng trabaho" Inis ko siyang tiningnan"Aziel!paulit ulit nalang ba?ang pangarap satin nila mama ay makapagtapos tayo--" "Makapagtapos?o tapusin ang buhay mo?" "Aziel naman!pagod ako,pwede bang kumain ka nalang?"malumanay kong sambit at nagmamakaawa ang mga mata. Umiling siya sakin saka tumayo at bumalik sakanyang kwarto. Napahawak na lamang ako sa sintido ko,at napayuko. Lagi nalang. *** Pumasok ako sa paaralang gusto ng mama ko,gusto niya kahit mahirap lang kami ay makapagtapos ako sa University na ito. Ang kaso,masyadong mabigat sa bulsa ang bayarin rito ngunit mabuti nalang ay malaki laki ang nakukuha kong bayad. Habang naglalakad sa hallway bigla akong nabangga ng babaeng nagmamadali sa pagtakbo habang tumitili pa "Hindi man lang nag-abalang humingi ng tawad"bulong ko sarili at napailing,maglalakad na sana ako nang may biglang tumawag saking selpon "Hello?" "Hello Ma'am,this is the teacher of Aziel Valencia,are you his guardian?"tanong nang nasa kabilang linya kaya napakakunot-noo ako. "Yes,ako po.ahm,ano pong..ah anong--"kinakabahan kong tanong,ano na naman ba ang ginawa niyang kalokohan?may nangyare ba sakanya? "Sinaksak niya ang kaklase niya nang ballpen--" "A-ano?!"gulat kong sambit at napatakip sa bibig "He's here in the office,if you're not busy ay puntahan mo na lamang siya rito,maraming salamat"sambit nito at binaba ang tawag. Napatingala ako at napakagat sa labi Anong pumasok na naman sa kokote mo Aziel?kay aga aga. Inis akong tumalikod at nagbabalak puntahan ang kapatid ngunit pagharap ko sa likod ay may apat na lalaki ang nakatayo at nakatingin sakin. Nagulat ako at tumingin sa paligid,nakapalibot samin ang mga babaeng nakapalibot at baliw na baliw kakatili kanina Muli ko silang tiningnan at lalampasan na sana nang biglang humarang ang isa sakanila sa dadaanan ko "Where you going?"tanong ng lalaki kaya kunot-noo akong tumingin sakanya Sino ba siya?"pake mo?"sagot ko at magbabalak nang umalis nang hawakan nito ng mahigpit ang aking braso Seryoso siyang tumingin sakin,yung buhok niyang kulot,medyo mahaba,medyo magulo at may halong brown na mukhang natural.ang kanyang beard na hindi masyadong makapal at mahaba na bumabagay sakanya na mas lalong nagbibigay sakanya ng kagwapohan.ang kanyang makapal na kilay at mapulang labi. Muli kong binalik ang tingin sakanyang magagandang mata pagkatapos kong purihin ang kanyang mukha.ang mata niyang kulay berde na ang sarap pagmasdan at titigan. "You're done?"tanong nito kaya sa hindi ko malaman na dahilan,bigla akong kinabahan. "A-ano?" Ngumisi siya at tiningnan ang aking labi bago muling tingnan ang aking mata,nang may maalala ako. Kamukha niya ang lalaki,lalaking nasa bar! Ang lalaking tinanggihan ako! Mas lalo akong kinabahan at naalarma,kaya bigla ko siyang tinulak palayo ngunit mas malakas siya at hawak niya parin ng mahigpit ang aking kaliwang braso,'di man lang natinag. "A-ano ba!bitawan mo nga ako!"inis kong sambit at pilit tinatanggal ang kamay na kumakapit sakin,yumuko ako at pilit tinatakpan ang aking mukha gamit ang aking mahaba ngunit curly na buhok. "You look familiar,you know that?"bulong nito saking tenga,kaya napaatras ako ngunit mas lalo lamang niya akong pinalapit sakanya "Adam,let's go"sabi ng isa sa mga kasamahan niya ngunit parang bingi ang lalaking ito at hindi man lang pinakinggan ang sinabi ng kasamahan. Binitawan niya ang braso ko ngunit hinawakan niya ang bewang ko at mabilis na niyakap ito,niyayakap niya ang bewang ko mula sa likuran at inamoy amoy ako. Punyemas! May suminghap dahil sa gulat sa ginawa ni adam at may ibang nagbubulungan. Punyeta! Hinigpitan niya pa lalo kaya mas lalong napalapit ang katawan ko sakanya,tipong ramdam ko ang ari niya sa pwetan ko. Piste. "Baby,i want you in my bed and f**k you until you die" bulong niya sa tenga ko sa paos na boses.nanlaki ang mga mata ko at natigilan ako, hindi alam ang gagawin. "Adam"muling tawag ng kasamahan niya,narinig ko na lamang ang tawa nito,pati pagtawa nito ang sarap pakinggan sa tenga. Nang bigla akong itulak nito palayo,kamuntikan pa akong matumba mabuti't nakabalanse agad ako. Ngumisi ito sakin"you like that?"baritonong tumawa ito at tingnan ako mula paa hanggang ulo."you really look like a prostitute"seryoso at walang ekspresyon nitong sabi at saka umalis saking harapan A-anong sinabi niya? Inis ko siyang sinundan ng tingin.nakaramdam ako ng kirot saking puso. Ang kapal niya para sabihin sakin 'yun!oo prostitute ako,pero gimusto ko ba maging ganito? Pinunasan ko ang luhang nagbabadyang tumulo"hayop na adam,sino ba siya sa inaakala niya?!" "Well,I apologize for what he said to you,i know that's not true"sambit ng kung sinong nilalang ngunit sinisigurado kong kasama ito nang halimaw na panget na yun! Inis ko siyang tiningnan.siya nalang ang natitirang kasama ni adam na nasa harapan ko. "Woah woah chill!"sambit nito at tinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa pulis"i don't bite,i just lick"mapaglaro nitong sabi kaya tinapakan ko ang paa nito bago lumisan. "Ouch argh,f**k it!miss wait!"rinig kong tawag nito sakin ngunit nagdiri-diretso lamang ako. Nang bigla may humawak sa kamay ko ngunit agad ko itong inalis"ano ba!"inis kong sambit ngunit ningitian lamang ako nito "I'm linus"nakangiting pakilala niya at inabot ang kanyang kamay para sa shake hands. "Wala akong paki-alam!"inis kong sambit at nagtuloy tuloy sa lakad "Where you going ba?"inis ko itong tiningnan nang maging conyo ito,psh.gwapo din si linus,kulay itim ang buhok at walang beard. "Pwede ba?lubayan mo ako!"inis kong sambit ng may muling tumawag saking selpon,at ganun din kay linus. "Hello?!"inis kong sagot "A-ah Ma'am,where are you?narito na ang mga magulang ng estudyante"sambit nito kaya napairap na lamang ako "Papunta na"sagot ko at binaba ang tawag at muling tumingin kay linus na may katawag rin ngunit tumatawa at ngumisi siya,habang naka-tingin sakin. "She's funny dude..oh really?...then come here...so duwag hahaha!" Napailing na lamang ako sa kakonyohan ng lalaking ito at tumakbo palabas ng gate,tinawag pa ako ng security pero wala na akong oras,kailangan na ako ng kapatid ko. Nang makapasok ako sa office,rinig ko ang pag-sisigaw ng ina ata nitong batang nasaksak sa aking kapatid kaya agad akong lumapit sa kapatid kong bagot na bagot ang itsura. "Ah!sino ka?!"tanong ng babaeng kanina pa sumisigaw. "Ako po ang ate niya"sagot ko,kaya tiningnan niya ang kabuuan ko. "Nasaan ba ang mga magulang niyo?dapat ang mga magulang niyo ang narito!ah!baka walang kwenta rin ang mga magulang niyo kagaya ng batang ito!"sambit ng ginang,biglang tumayo si Aziel sa tabi ko at kwenelyuhan ang nanay kaya kaming lahat ay nagulat sa inasta ng kapatid ko "Aziel!"tawag ko sakanya at napatayo rin,hinawakan ang braso nito. "Wag na wag mong sasabihing walang kwenta ang magulang namin kung ayaw mong matikman ang kamao ko"inis nitong sambit habang ang babae ay gulat na gulat sa kapatid,mas matangkad ang kapatid ko sakin kaya nagmumukha siyang college kahit high school pa lamang ito. "Hoy!tarantando ka ah!"akmang susuntikin ng lalaki na ama nitong bata ang kapatid ko nang umiwas ito at patulak na binitawan ang asawa nito. Niyakap ko ang kapatid ko"aziel ano ba!" "Aarte niyo!sinaksak lang sa kamay,hindi naman namatay ang anak niyo!"sigaw ni Aziel sa mag-asawa at dinuro pa ang anak nito "Gago,ang tapang mo ah!ano suntukan?!ah ah?!"lumapit samin ang mataba ngunit putot nitong asawa samin "Oh ano?!"palaban naman na sambit ni Aziel sa lalaki "Aziel!tumigil ka nga!"kinurot ko ito sa tagiliran kaya napalayo siya sakin "Sir,tama na po,wag na po" "Honey!" "Honey pa nga"rinig kong bulong ni Aziel nang makalapit ako sakanya kaya muli ko itong kinurot. "Ah aray!ate!"inis nitong sambit "Tumahimik ka!masasampal kita dito"bulong ko ngunit gigil na gigil. "Huminahon po kayong lahat,Aziel,rumespeto ka naman."sambit ng guro sa gitna naming lahat"mag-siupo kayo"nagsi-upo naman kaming lahat. "suspended si Aziel Valencia ng tatlong araw--" "Ano?!suspended!dapat ipa-expell na 'yan!"inis na sambit ng ina "Ma'am,hindi po malala ang ginawa ng bata para ipa--" "Wala akong paki-alam!paano nalang kung ulitin niya?at baka idamay niya pati ang ibang mag-aaral pa rito!"inis niyang sambit sa guro at sinamaan ng tingin si Aziel na ngayon ay bagot lamang nakatingin sakanya "Aziel,bakit mo ba siya sinaksak?"mahinahon kong tanong kay aziel,kaya natahimik ang lahat at gustong pakinggan ang isasagot ni Aziel. "Sinulat-sulatan niya kasi ang pinaghirapan kong proyekto na ipapasa ko sana sayo ma'am,at dahil ayaw niyang gawin ang sinabi ko sakanyang ulitin ang proyekto ko ay sinaksak ko na lamang siya,pasalamat nga siya eh hindi ko pinutol ang kamay niya"masungit at bagot na sagot ni Aziel habang nakatingin sa lalaking nakayuko na anak ng dalawang mag-asawang ito. Ngumiti ako sa mga magulang na ngayon ay tulala"ma'am,sir,hindi naman gagawin ng kapatid ko iyan kung hindi ganun kalala ang rason niya.alam niyo bang pinaghirapan niyang gawin ang proyekto?pinagpuyatan at ginastusan tapos sa ilang segundo lamang wala na ito?kung ako sa pwesto ni Aziel,baka po pilit kung ipakain sakanya ang iproyektong ginawa ko at hindi lang 'yun!puputulin ko bawat--" "Ate!"tawag nang nandidiri kong kapatid Natawa na lamang ako ng mahina. Nang makalabas kami sa opisina at mawala sa patingin namin ang pamilya ay agaran kong hinila at kinurot ang tenga nito "Ah a-ah!ate!masakit!"daing nito at hinahawakan ang kamay kong nasa tenga niyang hinihila ko "Talagang masasaktan ka!juskomarimar naman Aziel!kay aga aga!"inis kong sambit rito at mas tinudo ang kurot kaya todo daing siya "A-ah ate tama na!nakakahiya baka may makakita sakin at ginaganito mo ako"sambit nito kaya binitawan ko ito at namewang sa harap niya "Wow!pero hindi ka nahiya sa mga kalokohan mo?"tanong ko at pinanlakihan siya ng mata Hawak-hawak niya ang tenga nito at nakangiwi"aish umalis ka na nga!kasalanan ko bang sinira niya ang proyekto ko?" Sinamaan ko siya ng tingin"siguraduhin mo lang na hindi ka bagsak at scholar ka parin,Aziel magco-college kana,alam mo naman kung gaano kalaki ang gasto sa college diba?kaya kung maaari,magseryoso ka!" "Psh,pwede namang maghinto eh"bulong nito ngunit rinig na rinig ko parin "ANONG SABI MO?!" Inis niyang kinamot ang tenga niyang namumula saka lumingon lingon sa paligid,wala masyadong estudyante dahil oras ng klase. "Tumahimik ka nga!ang ingay ingay mo talaga!oo na oo na!mukha bang hindi ako seryoso sa pag-aaral ah?look at me,im a scholar ate"inis nitong sambit at muling napakamot sa tenga. Tinaasan ko ito ng kilay at may kung anong dinukot saking dede at naglabas ng pera "Taena,wala ka bang wallet?"tanong nito sakin kaya sinulyapan ko siya at muling nagbilang ng pera "Sus,hindi mo na kailangan ng wallet kung may dede ka naman"sagot ko at napailing na lamang ang aking kapatid,inabot ko sakanya ang isang daan"oh!wag nang maglakwatsa!diritso uwi!"paalala ko sakanya at tinalikuran ang kapatid saka umalis sakanilang paaralan. Magkaiba kami ng paaralang pinapasukan,ngunit sa susunod ay iisa na dahil magcocollege na siya next year habang ako naman ay 4th year college.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD