Chapter 2

5000 Words
Naiwan si Samantha sa may batis na nanlalaki ang mga mata. The nerve of that Man! inis na inis na wika ng dalaga. Nang mapansin niyang wala na ito, ay dali dali na rin siyang nagbihis at umuwi na sa kanilang bahay. Pag-uwi niya ay agad na nalanghap ni Samantha ang nilulutong ulam ng kanyang Nanay Lourdes. "Hmmm ang bango inay, ano iyang niluluto mo?"- tanong ng dalaga sa kanyang ina. "Dinengdeng anak, sinahugan ko ng inihaw na tilapia"-sagot naman ng kanyang ina. "Dumating na po ba si Alana?"-tanong muli ng dalaga. "Kararating lang kanina, nandun sa kanyang kwarto, naligo lang saglit, maya-maya lamang ay bababa na rin, ikaw rin ay magbihis na at sabay sabay na tayong kakain"- wika naman ng kanyang ina. Pumanhik si Samantha sa kanyang kwarto at dumiretso sa banyo upang magshower. --‐---------------------------------------------- Kasalukuyang nagkakape si Maxwell sa veranda ng Mansion nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag si Gideon, ang kanyang matalik na kaibigan at abogado ng kanilang pamilya. "Hey!"-narinig niyang wika ng kanyang kaibigan sa kabilang linya. "What's up?"-tanong niya naman rito. "Wala lang, kukumustahin ko lang kung may progress ba ang pagsuyo mo kay Samantha"-wika ng kanyang kaibigan saka ito humalakhak. "Hindi ko alam kung abogado ka ba talaga o talagang chismoso ka lang"-Ngiting turan naman niya rito. Serious type silang magkaibigan ngunit kapag sila na lamang ang nag-uusap ay nailalabas nila ang kanilang mga biruan. "But seriously bro, That woman is hot!"-muling wika ni Gideon sa kabilang linya. Napatango si Maxwell dahil aminado siyang talagang maganda at sexy ang dalaga. Muli niyang naalala ang tagpo kanina sa may batis. Nais lamang niyang mag stroll kanina sa Hacienda at nagawi siya sa mga taniman ng gulay nang makarinig siya ng agos ng tubig, sinundan niya kung saan niya ito naririnig, at tumambad sa kanya ang napakalinaw na tubig, ngunit mas lalong ikinagulat niya nang mapansin si Sam na naliligo rito. Tila wala itong pakialam sa kanyang kapaligiran at ninanamnam ang tubig sa batis, naka sleeveless top ito at nakashort ng maiksi! Kitang kita niya kung gaano kaganda at kakinis ang kutis nito. Napaka sexy rin nito na wari mo ay isang modelo ng Victorias secret. "Hey! you still there?"-Narinig niyang muli ang kaibigan. Tila naman nahimasmasan siya sa pag-iimagine kay Samantha. "Yeah, I'll call you back bro, I need to call the office too."-Pagkasabi niyon ay pinatay na niya ang tawag. Tinawagan niya ang kanyang secretary at sinabi niyang hindi pa siya makakauwi kaya naman ay pinacancel na muna niya ang lahat ng kanyang mga appointments. Bumuntong-hininga siya at pumanhik sa kanyang kwarto. ------------------------------------ Pagkatapos maghapunan nila Sam ay nauna na siyang magpaalam sa kanyang mga magulang at umakyat sa taas sa kanyang kwarto. Pagkapasok niya ay binuksan niya ang kanyang laptop upang makita niya ang mga naka schedule na gagawin niya sa hacienda, at makita rin niya ang kanyang mga nilista na itatanim sa susunod na buwan. Pagkatapos niyang ma-update ang kanyang to do list ay magpapahinga na sana siya nang makita sa kanyang console table ang sobreng ibinigay sa kanya ni Atty. Gideon nang basahin nito ang last will ni Don Ignacio. Nawala na sa kanyang isipan ito, kinuha niya ang brown na sobre at binuksan ito. Tama nga siya sa kanyang sapantaha na ito ay sulat. Lumabas siya sa terrace ng kanyang kwarto at binasa ang sulat... My dear Samantha, Sa oras na mabasa mo ito ay wala na ako sa ibabaw ng lupa, muli apo ay nagpapasalamat ako sa kabutihang loob ng iyong pamilya sa akin. Marahil ay nagtataka ka kung bakit ko ipinamana sa iyo ang Hacienda Carmelita at ang 50% share ko sa Artlife Holdings. Binata pa lamang ako nang makilala ko ang iyong Lolo Rodolfo, nagkakilala kami dahil sa panahon na iyon ay may malaking tindahan ang iyong lolo, ako ay naulila sa murang edad at mula pagkabata ay nagtatrabaho na ako, sinubukan kong mag apply bilang kargador sa tindahan ni Rodolfo at doon nag-umpisa ang aming pagkakaibigan. Binigyan niya ako ng sapat na puhunan at nakapag umpisa akong magnegosyo, kung hindi dahil sa iyong lolo ay wala lahat ng mga nakamit ko. Nang mamayapa si Rodolfo ay kasunod ng iyong Lola Conchita, ay ipinangako ko na balang araw ay ibabalik ko ang ibinigay sa akin ng iyong Lolo, kaya Samantha Apo, sana ay matanggap mo ang ipinamana ko sa iyo, hindi ito kabayaran kung iyon ang iyong iniisip, ito ay dahil napamahal na kayo sa akin, ikaw, si Alana at ang iyong mga magulang ay itinuring ko nang walang iba sa akin. Sana ay mapalago niyo pa ang Hacienda Carmelita at alagaan niyo ang mga pamilya ng mga magsasakang nagtatrabaho rito. Lolo Ignacio Unti-unting pumatak ang luha ni Samantha sa sulat ng don Ignacio. Bagaman naikuwento na ng kanyang mga magulang na dati nang magkaibigan ang kanyang Lolo at ang don ay hindi niya alam na dahil pala sa kanyang Lolo Rodolfo kaya ito nagsimulang magnegosyo. Batid niyang may kaya ang pamilya ng kanyang Lolo kaya naman ay binata pa lamang ito ay nagkaroon na rin ito ng negosyo, at nang manganak ang kanyang Lola Conchita sa kanyang tatay Theodor ay doon nag-umpisang ma bankrupt ang kanyang Lolo dahil nagkaroon ng komplikasyon ang kanyang Lola Conchita sa panganganak nito, matagal itong namalagi sa ospital at kalaunan ay namatay. Mag-isang itinaguyod ng kanyang lolo Rodolfo ang kanyang tatay Theodor. 'Kung gayon ay bakit kailangang magpakasal pa kami ng Maxwell na iyon'?-wika niya sa kanyang isipan. Tumayo si Sam, at pumanhik na sa kanyang kwarto, maya maya pa ay nakatulog na rin siya. -------------------------------- Maagang gumising si Samantha dahil naka schedule siya ngayon na bisitahin ang mga alagang hayop sa Hacienda, naisip niyang gamitin na rin ang kanyang kabayong si Brave. Muli ay nakasuot siya ng itim na leggings, at naka long sleeve na pula na humahapit sa kanyang balingkinitang katawan, itinali rin niya ng mataas ang kanyang buhok. "Wow! I didn't know na marunong ka pala sumakay sa kabayo"-Nakangising wika ni Maxwell na hindi niya namalayang naroon din sa mga kwadra ng kabayo. Hindi pinansin ng dalaga ang binata at sumampa kay Brave. "Can I ride with you?"-Muli ay pang-aasar ng binata kay Samantha. Tila naman nahiya si Samantha sa tinuran ni Maxwell at namula ang kanyang mga pisngi, halata ito dahil maputi ang dalaga. Tumikhin siya at tumingin sa binata. "Kung gusto mong masapak ay sige you're very much welcome"-muwestra ng dalaga sa kanyang mga kamao. Nagulat ang dalaga nang mabilis na sumampa si Maxwell kay brave paupo sa likuran niya. Mabilis din nitong kinuha ang reign ni Brave at nagmistulang parang yakap yakap siya ng binata!, "What the hell are you doing!?"-galit na tanong ni Sam kay Maxwell. "Riding"-Nakangising wika ng binata sabay patakbo sa kabayo. Napahiyaw ang dalawa sa sobrang gulat at napahawak siya sa mga braso ng binata. "Stop! ibaba mo ako!"-Sigaw ni Samantha. Ngisi lamang ang sinagot ni Maxwell sa dalaga, at mas lalo pa nitong pinatakbo ang kabayo. Tila naman hindi malaman ni Samantha kung ano ang kanyang gagawin at kung ano na lamang ang sasabihin ng mga trabahador sa hacienda kapag nakita sila ng mga ito! Gusto niyang kagatin ang braso ng binata na ngayon ay mistulang nakayakap na sa kanyang bewang. Mas lalong sumimangot ang dalaga ng mapansin niyang inaamoy ni Maxwell ang kanyang buhok! "Ano ba!?, Ngayon ka lang ba nakaamoy ng vanilla at parang uubusin mo na ang amoy ng buhok ko!?"-Paasik na tanong niya. Humalakhak si Maxwell sa tinuran ni Sam at inilapit nito ang kanyang mukha sa kanyang tenga. "Hmmm, you smell so good"-Pang-aasar pa lalo nito sa dalaga. Asar na asar si Samantha habang nakasakay sila ni Maxwell sa kabayo niyang si brave. Pagdating nila roon ay nandun na rin si Mang Fernan, dahil ito rin ang tumitingin sa mga alagang hayop ng hacienda tulad na lamang ng mga manok, mga kambing, at ang mga kalabaw. "Magandang umaga po Sir Maxwell, Samantha"-bati ni Mang Fernan sa kanilang dalawa. Nagtataka ang tinging ipinukol ng matanda kay Sam. Umiling na lamang ang dalaga rito. "Good morning"-wikang tugon naman ni Maxwell. "Kumusta ang mga alaga Uncle Fernan?"-Tanong ng dalaga kay Mang Fernan, nakagisnan na niyang uncle at auntie ang itawag sa mga nagtatrabaho sa hacienda. "Ayos naman iha, madami dami na rin ang mga itlog ng manok, paparamihin muna natin sila bago tayo magtinda sa kabilang bayan ng mga itlog"-wika ng matanda dahil nakaplano sila na magpagawa ng poultry sa hacienda upang maparami pa ang income nila. "Mabuti po kung ganun, wala naman po bang problema sa iba pa uncle?" "Wala naman iha, at saka naka schedule din si Dok Gilbert next week para masuri niya kung may mga sakit ba ang ating mga alaga"- pagbanggit nito sa beterinaryo ng kanilang mga alaga, at pati na rin ng mga alagang aso sa hacienda dahil ang mga ito ay nagsisilbing gwardiya rin nila. "Mabuti po kung gayon, Uncle" Nag-usap pa sina Mang Fernan at Samantha about sa plano nilang pagpapagawa ng poultry habang si Maxwell ay masusing pinagmamasdan si Samantha, Napagtanto niyang talagang gustong gusto nito ang kanyang ginagawa, hands on ito pagdating sa hacienda. Plus points din nito ang kagandahang taglay nito. Hindi mawari ni Maxwell ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon, kung tutuusin ay marami na siyang nakita na mga naggagandahang mga babae sa manila, mga modelo, mga artista, ngunit iba ang dating ni Samantha. Marahil ay hindi ito aware kung gaano ito kaganda, na kahit sa simpleng pananamit lang at kahit walang anong bahid ng make-up ang mukha ay kitang kita pa rin ang ganda nito. Napailing si Maxwell sa kanyang mga iniisip, binalikan niya sa kanyang alaala kung bakit siya narito sa Hacienda at kung ano ang pakay niya rito. Saka lamang siya natauhan nang mapagtanto niyang nauubusan na siya ng oras at kailangan sa madaling panahon ay maikasal na sila ni Samantha. ---------------------------------- Habang nakikipag usap si Samantha kay Mang Fernan ay ramdam niyang may tumititig sa kanya. Tumaas ang kanyang mga balahibo nang mapagsino ang tumititig sa kanya. Bumaling siya sa kanyang likuran at doo'y nakita niya kung paano siya hagudin ng tingin ni Maxwell! 'Pervert!'-wika niya sa kanyang isipan. Umirap siya rito at bilang ganti ay kumindat pa ito sa kanya! Tinalikuran na lamang ni Samantha ang binata at finocus ang sarili sa usapan nila ni Mang fernan. Mag aalaa dose na ng tanghali nang matapos nila Samantha at Maxwell ang pag-ikot sa Hacienda, bagaman labag sa kalooban ni Samantha ay wala siyang magagawa dahil sunod ng sunod sa kanya ang binata at ang nakakainis pa ay ngisi ito ng ngisi! "It's 12 o'clock Sam, Hindi pa ba tayo kakain?"-Tanong ni Maxwell. "Excuse me? please call me Samantha, mga ka close ko lamang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganyan, and kakain? tayo? Uuwi ako sa amin dun ako kakain. Ikaw na bahala kung saan ka rin kakain"-inis na sagot ng dalaga. Kumunot ang noo ni Maxwell sa sagot ng dalaga. Di yata at may dalaw ito kaya lahat na lang bini-big deal. Bumuntong hininga na lamang siya at pinipigilan na huwag makipag argumento rito. "Let's go!"-sigaw ni Samantha sa binata, dahil kahit gusto niyang iwan ito ay may awa pa rin naman siya dahil malayo layo pa ang mansion sa kung nasaan sila ngayon. Dali dali namang pumunta sa kanya ang binata at pinauna siyang sumakay nito sa kabayo, pagka sampa niya ay agad din itong sumunod. Walang imik ang dalaga habang sila ay pauwi, hindi na rin kumibo pa si Maxwell at sinamantala ang pagkakataon na langhapin ang bango ng dalaga. --------------------------------------- Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi mawari ni Maxwell ang kanyang nararamdaman, galit siya kay Sam dahil sa naging desisyon ng kanyang Lolo Ignacio ngunit habang narito siya sa Hacienda ay unti unti niyang nakikilala ang dalaga, passionate ito sa lahat ng kanyang ginagawa, simple lang din ang dalaga at nakikita niya kung gaano ito ka family oriented. Unti unting bumabalik sa kanyang alaala ang napakabangong amoy nito, ngunit natigil siya sa pagtunog ng kanyang cellphone. Tinignan niya ang screen at nakita niya ang pangalang Vannessa. "Sh*t!"-wika niya nang mapagsino ang tumatawag sa kanya, si Vannessa ay isang modelo, nakilala niya ito nang minsan ay nag bar sila ng kaibigan niyang si Gideon, naging fling niya ito at hanggang ngayon ay umaasta itong girlfriend niya kahit sinabi na niya rito na ayaw niya makipagrelasyon rito. "Hello"-tamad na wika ni Maxwell. "Hey! ilang araw na akong pumupunta sa Artlife! wala ka pala roon, bat di mo man lang sinabi sa akin na pupunta ka pala ng Ilocos?"-Wika ni Vannessa sa kabilang linya. Bumuntong hininga siya sa narinig, ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang kinukulit siya. "May importante akong lakad dito."-pabalang na sagot na lamang ni Maxwell kay Vannessa. "You could at least tell me, para hindi ako pabalik-balik sa kompanya"-pangungulit muli ng dalaga. Nagpanting na ang tenga ni Maxwell sa narinig. "Look Vannessa, ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang kinukulit ako, you're not even my girlfriend, so please stop nagging me."-pagkasabi nun ay agad na niyang binaba ang kanyang cellphone. Napahaplos na lamang siya sa kanyang sintido dahil sa irita. Dalawang araw na siya rito sa hacienda ngunit wala pa ring nangyayari sa pakay niya rito, kailangan na niyang makausap si Samantha dahil kailangan ay maibalik na ang 50% share sa kompanya dahil kung hindi ay magtatanong na ang kanyang mga investor at baka kalaunan ay mag petition ang mga ito ng ibang hahalili sa kompanya! bagay na hindi pwedeng mangyari dahil ito ay pagmamay-ari ng kanyang pamilya! hindi siya papayag na may ibang taong mamuno sa Artlife. "I need to talk to her"-Wika ni Maxwell. -----------------------------------------‐- Linggo ng umaga ay napagpasyahan ng mga magulang ni Samantha na pumunta sa bayan, upang mamili ng mga fertilizer , sumama rin ang kanyang kapatid na si Alana . At dahil kada linggo ay ito ang pinaka rest day nila, muling bumalik sa higaan si Samantha at balak na magbasa ng mga novels. Mahilig magbasa si Sam, ito ang isa sa kinahihiligan niya. Nakasuot lamang ng short na maiksi ang dalaga at naka sleeveless na pula, samantalang naka messy bun naman ang kanyang buhok nang maya maya ay narinig niyang may kumakatok sa kanilang bahay. Bumaba si Samantha sa pag-aakalang siguro ay bumalik na ang kanyang mga magulang at kapatid galing sa bayan, ni Lock niya kanina ang pinto at naiwan din sakanya ang susi ng bahay. Binuksan ni Samantha ang pinto at nanlaki ang kanyang nga mata nang mapagtanto na si Maxwell ang nasa kanyang harapan! ----------------------------- Tila natulos sa kinatatayuan si Maxwell nang pagbuksan siya ni Samantha ng pinto! bumungad sa kanyang mga mata ang makikinis at mapuputing binti ng dalaga dahil nakashort lamang ito ng maiksi, sinabayan pa nito ang damit na sleeveless na pula na nagpatingkad sa kaputian nito. Napangisi siya nang mapansing nanlilisik ang mga mata ng dalaga sa kanya marahil sa ginawa niyang paghagod ng tingin sa katawan nito. "Nice view"-Puri niya sa dalaga na siyang nagpakunot sa noo nito. Ngumisi siya rito at pumasok sa bahay. "Hey! anong ginagawa mo? hindi pa kita pinapapasok!"-nagngangalaiti sa inis na wika ni Samantha. "Well, alam ko namang ayaw mo akong papasukin, so ako na lang nagkusang pumasok"-pang-aasar pa lalo ng binata. "Ano bang kailangan mo!?"-Tanong ni Samantha. Muling sumeryoso ang mukha ni Maxwell at napansin naman ito na Samantha kaya inaya na niyang maupo ang binata sa kanilang sofa. Umupo rin ang dalaga sa harap ng binata at muli ay napatutok na naman si Maxwell sa kanyang legs. Hinablot ni Samantha ang throw pillow at ito ang nagsilbing pinantakip niya sa kanyang mga legs! 'pervert'-wika nito sa kanyang isipan. Tumikhim si Maxwell at napatitig siya kay Sam. "I really need the 50% share Sam, at isa lang ang solusyon para makuha ko ulit ito, dahil kapag hindi ko makuha ay magdedemand ang ibang mga investor ng Artlife na ako ay patalsikin bilang director ng kompanya, kailangan nating magpakasal para hindi pamunuan ng iba ang artlife"-seryosong wika ng binata sa dalaga. Sumeryoso rin si Sam sa kanyang narinig. "Ano bang akala mo sa kasal Mr. Maxwell? hindi ito birong usapan! hindi ako magpapakasal sa dalawang araw ko pa lamang kakilala, at kung ang share naman ang kailangan mo, ibibigay ko ito sayo, gagawa rin ako ng contract"-wikang tugon ng dalaga sa binata. "Ano ba sa tingin mo Ms. Samantha? na basta basta mo na lang ibibigay sa akin ang share ng kompanya? Hindi mo ba nakita o narinig sa last will ng lolo na tanging pagpapakasal sayo ang solusyon para mabawi ko ang share!"-Naikuyom ni Maxwell ang kanyang kamao dahil talagang mahirap suyuin ang dalaga! "I'm going to negotiate with you, 1 year Ms. Sam. Isang taon lang tayo magsasama bilang mag-asawa at kapag naitransfer na muli sa aking pangalan ang share, we will divorce, may makukuha ka ring 3 million pesos after the divorce"-Kompyansang wika ng Maxwell. Tumayo ang dalaga sa kanyang narinig! 'The nerve of this guy!' "Anong akala mo sa akin? I'm after your money!? gagawa ako ng paraan para maibalik ang share ng kompanya MO! hindi ko kailangan ng kasal at lalong lalo na hindi ko kailangan ang tatlong milyon mo!"-paasik na wika ng dalaga, At walang ano-ano ay tinalikuran niya ang binata at pumanhik sa kanyang kwarto. Naiwan si Maxwell na nagpupuyos sa galit. ------------------------------ Pagkatapos ng insidenteng iyon ay galit na umuwi ng Mansyon si Maxwell! hindi siya makapaniwala na napakahirap kausap ng dalaga, naikuyom niya ang kanyang palad at marahas na bumuntong-hininga. That girl is bloody hard-headed! but at the same she is so hot that he just want to ravish her! "D*mnation!"-nanggigigil na wika ng binata. ------------------------------------- Kinabukasan ay gumising ng maaga si Sam dahil nais niyang magpunta sa taniman ng mga palay, pagkalabas niya ng kanilang bahay ay napansin niyang wala ang sasakyan ni Maxwell sa mansyon. "hmmm, saan kaya nagpunta iyon?"-tanong dalaga. "sa pagkakaalam ko ay umuwi raw kagabi si Sir Maxwell pa-Maynila dahil may emergency daw sa kanilang kompanya"-narinig niyang wika ng kanyang itay na si Mang Theodor sa kanyang likuran. Nagulat naman ang dalaga sa biglang pagsagot sa kanya ng kanyang ama dahil akala niya ay walang tao sa kanyang likuran. "Nagulat naman ako sa inyo itay"-wika ng dalaga sa kanyang ama. "aba ay narinig ko ang tanong mo eh di sinagot ko lamang"-nakangiting wika naman ng kanyang ama. "pupunta rin po ba kayo sa palayan?"-wika ng dalaga. "Oo eh, sabay na ako sayo anak"-tugon naman ni Mang Theodor. "Opo itay, mag pick-up na po tayo papunta"-wikang tugon naman niya. Habang papunta sa palayan sina Samantha at ang kanyang ama, ay muling naisip ng dalaga kung bakit biglaang umuwi ang binata sa Maynila. 'Hindi kaya dahil sa naging usapan namin kahapon?'-wika ng dalaga sa kanyang isipan. 'Haaay naku Sam, siguro namiss lang nun ang siyudad kaya nagmadaling umuwi, o di kaya ay namimiss na ang girlfriend kaya kahit gabi na ay umuwi ito'- muli ay sagot niya sa kanyang isipan, ngunit sa naisip niyang ito, ay hindi niya malaman kung bakit may naramdaman siyang konting kirot nang maisipan na baka ito nga ay may girlfriend! 'ano bang nangyayari sayo Sam!?'-inis na wika niya sa kanyang sarili. ---------------- Maghapon sina Mang Theodor at Samantha sa palayan dahil na rin sa nagpapa-ani na sila. Napansin ni Samantha na tila masama ang pakiramdam ng kanyang ama kaya naman ay nilapitan niya ito at kinamusta. "Itay, ayos lang po ba kayo?"-tanong ni Samantha sa kanyang ama. "Ayos lang ako anak, siguro ay dahil lang ito sa init kaya medyo sumama ang pakiramdam ko"-wika ni Mang Theodor na noo'y namumutla na. "Mainam pa ho ay magpahinga ka muna tay, mainit nga ang panahon ngayon, tara na muna sa may kubo"-pag-aya ng dalaga sa kanyang ama. Inalalayan ni Samantha ang kanyang ama pabalik sa kubo, nang bigla ay matumba ang kanyang ama. "Tay!!!, ano hong nangyayari sa inyo?"-puno ng takot at pag-aalala na wika ni Sam. Ngunit hindi umimik ang kanyang ama kaya naman ay tinawag na ng dalaga ang mga magsasakang naroon. "Tulong! uncle Fernan! tulungan niyo ako, nag collapse si itay!"-Sigaw ni Sam na siyang nagpatakbo na rin sa kanilang karoroonan ang iba pang mga naroon sa palayan. "Theodor! ano baga ang nangyayari sayo! tulungan niyo ako mga kasama at nang madala natin siya ora mismo sa ospital!"-wika ni Mang Fernan dahil nakita niyang hindi lang simpleng collapse ang nangyari sa kaibigan. "Dali, Sam, paandarin mo na ang sasakyan!"-wika pa ni Mang Fernan. Dali-dali namang umaksyon ang dalaga at pinaandar ang sasakyan, nang nasa sasakyan na rin si Mang Fernan at ang kanyang ama ay mabilis na pinatakbo niya ang sasakyan upang madala sa ospital ng agaran ang kanyang ama. ------------------- Hindi mapakali si Sam habang inaantay ang doktor na sumuri sa kanyang ama, naitawag na rin niya ito sa kanyang kapatid at sa kanyang ina kaya naman ngayon ay kasama niya rin ang mga ito sa ospital. Humihikbi ang kanyang ina dahil sa labis na pag-aalala, habang si Alana naman, ang kanyang nakababatang kapatid ay niyayakap ang kanilang ina. Napatayo silang tatlo nang bumukas ang sa emergency room, at iniluwal nito ang doktor na sumuri kay Mang Theodor. "Stable na ang pasyente pero hindi ibig sabihin nito ay maayos na ang kanyang lagay. Kailangan niya ng maraming pahinga, bawal siyang malungkot o ma stress dahil palaki na nang palaki ang butas sa kanyang puso, and we need to take action immediately, we need to undergo a surgery para takpan ang butas nito, but ngayon pa lamang ay sasabihin ko na na risky itong operation na ito, and that it's a bit expensive, pag-usapan niyong maigi sa family ninyo, I repeat it's urgent." Biglang natulos sa kinatatayuan si Samantha sa kanyang narinig. "Sakit sa puso!?"-tumingin siya sa kanyang ina. "Alam niyo ba ang bagay na ito Inay?"-tanong niya sa kanyang ina. "Hindi ko alam anak! hindi ko akalain na ang kanyang laging paghingal at akala ko ay asthma lamang ay may sakit pala sa puso ang inyong ama! wala siyang binabanggit sa akin"-Humagulgol na ang kanyang ina. Napaupo si Sam sa upuan at tumulo ang kanyang mga luha. "Saan tayo kukuha ng pera pang pa-opera?"-Narinig niyang wika ng kanyang kapatid na noo'y umiiyak na rin. Lumakad si Sam papunta sa room kung saan naroon ang kanyang ama. Kitang kita niya na napakaraming nakakabit sa katawan nito, may oxygen din ito dahil nahihirapan daw ito huminga ayon na rin sa doktor. Muli ay napaiyak ang dalaga dahil inilihim ito ng kanyang ama dahil na rin siguro ayaw nitong gumastos sila, at dahil na rin sa hirap ng kanilang buhay. Hinawakan ni Sam ang kamay ng kanyang ama, "Gagawa ako ng paraan itay, gagaling ka, gagawin ko ang lahat"-Pangako ng dalaga. ----------------------------- Kinagabihan ay nag-empake si Samantha ng kaunting gamit, nagpaalam si Sam sa kanyang ina na luluwas siya ng Maynila. "Anong gagawin mo Samantha? Hindi ba't dapat ay kasama ka namin sa ospital, ano't luluwas ka ng Maynila?-pigil ng kanyang ina na si Aling Lourdes. "Inay, ginagawa ko ito para kay Itay, maniwala ho kayo, uuwi ako agad at ipapa-opera natin si Itay"-wika ni Samantha. Nanlaki ang mga mata ni Aling Lourdes sa tinuran ng dalaga. "Sam, huwag mo sabihing pupunta ka kay Sir Maxwell!?" "Kung ito lang ang solusyon para maisalba ko ang buhay ni Itay, gagawin ko Inay! kaya kong magsakripisyo alang alang sa Itay! hindi ako papayag na hindi siya maoperahan!" umiiyak ngunit determinadong wika ni Sam. "Pero anak! kasal ang gusto ng lalaking iyon! ang kasal ay sagrado! hindi ito parang pagkain na kapag napaso ka ay pwede mong iluwa! pag-isipan mo anak, hindi basta basta ang kasal"-umiiyak na turan na rin ng kanyang ina. "Buo na ang desisyon ko Inay, luluwas ako ngayon, bukas makalawa, ipapa opera natin ang itay"-wika ni Sam saka ito tumalikod at pumunta sa pick-up. Naiwan si Aling Lourdes na walang magawa kundi ang umiyak. ---------------------- Busy si Maxwell sa pagpirma sa mga papeles na nasa kanyang table nang tumunog ang telepono niya sa kanyang opisina. "Sir a certain Ms. Samantha Valdez is here to see you, but she doesn't have an apppointment"-wika ni Angela, ang nasa front desk ng Artlife. Samantha? anong ginagawa nito rito? napakunot ang noo na tanong ni Maxwell sa kanyang sarili. Ngunit nang maalala ang maamong mukha ng dalaga at ang balingkinitang katawan nito ay napangisi siya 'this is fun', Maxwell smirk. "Send her in"-wika ng binata kay Angela. "Yes, Sir"-tugon naman nito. Maya maya pa ay narinig niya ang katok sa kanyang opisina, dumungaw sa pinto ang kanyang secretary na si Clay. "Sir, Ms. Valdez is here to see you"-wika nito na tinanguan niya lamang. May kinausap saglit sa likod ng pinto si Clay at maya maya pa ay bumungad sa kanya ang napakagandang mukha ng dalaga. "D*amnation!"- She's hot! kahit na naka skinny jeans lang ito at naka white shirt ay hindi maikakaila na talagang napakaganda ng dalaga! at habang pinagmamasdan niya ang katawan nito ay hindi na mapakali ang kanyang alaga sa ibaba! "So miss Sam, to what do I owe this pleasure of seeing you?-Nakangisi na wika ng binata sa dalaga. Kahit na naiirita ang dalaga ay pinilit niyang sumeryoso. "Let's get married"-diretsang wika ng dalaga na nagpawala sa ngisi ng binata. Tumikhim ang binata sa narinig, sa pagkakaalala niya ay noong nakaraang araw ay halos isumpa siya nito, anong nangyari at biglaan ata na pumapayag na ito? "Di ba gusto mong magpakasal tayo? Let's do it"-Muli ay diretsang wika ng dalaga. Sumeryoso ang mukha ni Maxwell at napatitig sa dalaga. "Alam mong gustong gusto ko mangyari ang sinasabi mo, pero bago tayo magpakasal ay gagawa ako ng kontrata na kailangan mong pirmahan, pagka kasal natin ay mapupunta muli sa akin ang 50% share ng Artlife"-dire diretsong wika ni Maxwell. Tumitig ang dalaga sa binata. "Agreed! but I have condition too, yung sinasabi mong pera after divorce, kelangan ko nang kunin, this day or next day, transfer it in my bank account"-walang kurap na wika ng dalaga. "Bakit parang nagmamadali ka yata Miss Sam?"-kunot noo na tanong ng binata. "Why? wala lang, gusto ko rin kasi makatikim rin ng maraming pera bago ako ikasal sayo, mararanasan ko na rin gumastos"-tahasang wika ni Sam. Pagkarinig iyon ay nagpanting ang tenga ni Maxwell, 'Mukhang pera ka rin pala gaya ng iba'-galit na wika ng binata sa kanyang isipan. Unti-unti siyang lumapit sa dalaga na nakakuyom ang mga palad, ngunit sinalubong lamang siya ng walang emosyon na tingin ng dalaga. "Ganyan ba talaga ang hilig mo sa pera? no wonder pati ang hacienda ay nakuha mo? anong ginawa mo sa lolo ko ha? did you seduce him?"- galit na wika ni Maxwell sa dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Sam sa narinig. Nagpanting ang kanyang mga tenga, at walang ano ano ay tumaas ang kanyang mga kamay at maririnig ang tunog nang mapunta ang kanyang mga palad sa pisngi ni Maxwell! "Don't you dare accuse me of something I didn't do! How dare you!"-galit na sigaw ng dalaga. Hinaplos ni Maxwell ang pisngi kung saan sinampal ng dalaga, kitang kita ang galit sa kanyang mga mata. Hinablot ng binata ang kamay ni Samantha at hinila ito palapit sa kanyang katawan. "Don't you ever do that again! because I promise you, if you hit me one more time, you'll gonna regret it!"-Banta ng binata. Nanlalaki ang mga mata ni Sam sa kaba dahil na rin sa nakita niyang galit sa mga mata ni Maxwell. Ngunit nilabanan niya ang kanyang takot at itinaas ang kanyang mukha upang salubungin ang nangngangalit nitong mukha. "Bakit anong gagawin mo ha!?, If you ever try to hurt me, I will scream"-banta niya sa binata. Nanlisik ang mga mata ni Maxwell sa narinig. At dahil hawak hawak pa rin niya ang mga braso ng dalaga ay muli niya itong nilapit sa kanyang katawan, ngunit nang akmang magpupumiglas ito, ay ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa maliit na bewang nito. "Let me go!"-sigaw na wika ng dalaga sa binata. Ngunit tila walang narinig si Maxwell at lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak nito kay Samantha. "One more scream and I'll show you what will happen"-Banta ng binata. Nagpumiglas si Sam ngunit tila bakal ang mga braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang, "Let me g.....hmmmmmp" Hindi na naituloy pa ni Samantha ang kanyang sinasabi dahil marahas na siniil na siya ng halik ni Maxwell. Sa una ay magaspang at tila pinaparusahan siya ng binata sa paraan ng paghalik nito, pinipilit nitong ibuka niya ang kanyang mga labi ngunit hindi nagpapatinag ang dalaga at nagpupumiglas siya rito. "Hmmmmmp"pagpupumiglas ng dalaga, ngunit labis na ikinagulat ni Samantha nang biglang kagatin ni Maxwell ang kanyang pang ibabang labi, na siyang ikinasinghap niya, at sa paraan na iyon ay nagtagumpay ang binata para maibuka niya ang kanyang mga labi at wala itong pinalampas na pagkakataon dahil ipinasok nito agad ang dila nito sa kanyang mga labi. Mariin siya nitong hinalikan at nang maramdaman na nagpupumiglas pa rin ang dalaga ay binago nito ang paraan ng paghalik nito. Unti unting naging soft ang paggalugad nito sa labi ng dalaga, tila ninanamnam ang kanyang mga labi, napapikit ang dalaga dahil sa sensasyong nararamdaman niya. unti unti ay hinayaan niyang mag explore ang mga labi ng binata sa kanyang labi. Nakarinig siya ng ungol at nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto na galing ito sa kanya!. Nahimasmasan at ubod ng lakas na tinulak niya palayo sa kanya ang binata. Pinunasan niya ang kanyang mga labi ng kanyang mga palad at galit na tumingin sa binata! "I Hate you!"-wika niya sa nanliliskk na mga mata. "Oh but you like my kisses"-Maxwell smirk. "Last mo na yan dahil sisiguraduhin ko sayo na hindi na ito mauulit pa!"-sigaw ng dalaga sa binata. "I'll prepare the contract and by tomorrow, come back, give me you bank account and I'll transfer the money"-naging seryoso muling wika ng binata. Tumindig ang mga balahibo ng dalaga sa narinig mula sa binata "After this, magiging Mrs. Montecarlos ka na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD