HABANG NASA LOOB ng sasakyan, doon nakapagmuni-muni si Carly sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa rin siya makapaniwala na tumakas na naman siya sa kasal na ito sa pangalawang pagkakataon, ngunit ngayon ay siya na lamang talaga magisa at hindi na kakailanganin ang tulong ni Calvin. Alam niyang masasaktan niya ang mga magulang nila ngunit mas hindi niya kayang maatim magpakasal sa taong hindi siya lubusang mahal. Sa airport siya nagpahatid ngunit hindi pa siya sigurado kung saan tutungo. Tila ilang minuto pa siyang naupo sa may waiting area ngunit makalipas nun ay napagdesisyunan na rin niyang pumasok sa loob at makapag-book na ng flight. MAKALIPAS ang isang taon... "Sir, Mr. Herald from Australia called, he said he wants to discuss about the shares of the company there." saad ng sekret

