Part 18

3062 Words
NAGPATULOY NA MULI sila ng byahe pabalik ng city mismo. Nakapag-advance booking na ng hotel rooms nila silang dalawa kaya dumiretso na sila doon sa hotel. Nakakuha sila ng kwarto ng medyo magkahiwalay ngunit sa iisang palapag lamang din. Pagkapasok na pagkapasok nila ay tumunog ang phone ni Calvin kaya chineck niya kaagad kung sino ito. "Hello?" Tila nagseryoso naman ang mood nito dahil sa kausap. "Yes, we're here in our hotel room" pagaalangang sagot pa nito at napapahilamos ng mukha. "I'm trying my best." at saka pinatay nito ang tawag. Inihagis naman niya ang phone niya sa kama at napagulo na rin ito ng buhok niya. Nagkaayaan naman sila ni Carly na kumain ng lunch sa kalapit na mall. Habang naglalakad ay napansin ni Calvin na malaki ang binago sa itsura ni Carly na kung nung una niyang kita ay napaka-mestiza, ngayon ay tanned na ito. Ngunit bumagay ito sa dalaga at mas nagmukha itong hot. Hindi na niya nakikita rito ang Carly na nerdy na una niyang nakilala. "Oh? Tulala ka dyan? Nagandahan ka na naman sa akin ah?" sita naman ni Carly sa kanya ng mapansin nitong nakatitig na pala siya rito. "Hmm bagay pala sayong medyo tanned eh, saka hindi nakasalamin palagi." komento pa niya. "Hmm.. Sayo din. Though you're not that mestizo type, pero bumagay sayo ang tanned." "Bagay naman sa akin kahit ano." "Yan na naman po tayo sa kahanginan ni Calvin Des Puvillos." pasaring pa ni Carly at nagtawanan naman silang dalawa. "May gusto ka pa bang puntahan?" "Ahm.. Saan pa ba? Sa Butterfly Farm? O sa Museum?" "Bakit ka pa namimili? Puntahan natin parehas." "Talaga? Eh di tara na!" Matapos nilang kumain rin ay kaagad rin silang umalis. Dumiretso naman na silang Butterfly farm and Tribal Ecological park. Pagpasok pa lamang nila ay tumambad ang mga iba't iba uri at kulay ng mga paru-paro. Kumakapit kaagad ito sa kanila at tila kinatuwa nila itong dalawa. Nakakita rin sila ng ilang insektong naroon at maaari ring hawakan. Kinukuhanan ito ni Carly ng mga litrato lalo na ang isang cocoon area kung saan doon sumasabit ang mga pupa nito. Habang focus si Calvin sa pagtingin sa mga scorpions, kumuha si Carly ng isang ipis na naaalagaan at ipinasok ito sa loob ng shirt ni Calvin. "Uy ano yun?!" tila nagulat ito at nabahala dahil alam niyang may gumagapang sa likuran niya. "Hahaha!" natawa naman si Carly dahil para itong unggoy na nangangati sa ginawa niyang panti-trip kay Calvin. Nang maalis na ito sa likuran ni Calvin hindi pa rin natigil si Carly sa pagtawa kaya tiningnan lang siya nito. "Ah ganun ah?" sinugod niya si Carly at sinubukan itong kilitiin sa katawan niya. "Wag! Hahaha Calvin, wag! Hahahahaha!" "Tawa ka pa ah?" pero patuloy pa rin niyang kinikiliti si Carly sa may bewang nito. "Bah yan?! Ang haharot naman!" saad pa ng isang babae may kaedaran na ng dumaan sa gilid nila at tila naiinis sa ginagawa nila. Napatigil naman sila saglit at nang makalagpas na ito ay nagkatinginan pa sila bago mahinang nagtawanan muli. "Ikaw kasi eh!" pagalis pa ni Carly sa kamay ni Calvin. "Eh ikaw kaya nauna." Dumiretso naman sila papasok sa kabilang bahagi ng farm, ang tribal life ng mga taga lalawigan. Naupo sila bilang audience sa isang introduction at demonstration ng mga tribong naninirahan pa sa lalawigan at kung paano sila namumuhay simula pa noon. Naunang nagpakita ang host ng tila isang pinatuyong dagta na ginagamit raw bilang rubber at pang sindi ng apoy. Sunod naman ay ang mga kakaibang likha ng mga tribo na kagamitan nila gaya ng mga basket at musical organs. At pang huli ay ang iba't iba uri ng sandata at kagamitan pangngangaso ng mga ito. Hinayaan silang mga turista na mahawakan ang ilang kagamitang ito matapos maipakita sa kanila ng mga katutubo kung papaano ito gamitin. Tila kinakatuwa nila ang rito at sinubukan pa nilang isuot ang mga ito. Nagkaroon naman sila ng pagkakataong makasalamuha ang mga katutubong naroon at makalibot sa kanilang tinutuluyan. Kinukuhanan naman sila ni Carly ng litrato at nakikipagusap naman sila sa ibang nakakaintindi sa kanila. Kagaya ng pag-demo sa kanila kung papaano mangaso at magdasal, nais ipasubok sa ilang turista ang kanilang mga tradisyonal pang gawain. "Kinakailangan ko ng dalawang votunteer upang maisagawa ang tradisyonal na seremonyas na ito." saad pa ng host na tila nagtatawag. Dahil ang ilang narito ay mga bata pa, nagkakatinginan pa sila sa paligid at hindi naman inaasahan ni Calvin na hahatakin siya ng isang may edad ng katutubo at isinama sa kanila. Natuwa naman si Carly doon at pinagtutulakan pa si Calvin na sumama sa mga iyon ngunit bigla rin siyang tinutulak ng ibang kabataang katutubo papalapit kay Calvin kaya hindi na rin siya nakapalag. "Alright! Mukha nakapila pa ang ating mga katutubong Palaw'an ng kanilang gustong ikasal!" saad pa ng host na tila kinagulat ni Carly. "Kasal?!" "Demonstration lang ma'am kung papaano isinasagawa ang kasalan sa mga katutubo natin." sagot pa ng host sa kanya. "Ahh ehh.." tila nahihiya naman siya ngunit wala na rin siyang nagawa kung hindi pagbigyan ang mga ito. NAHATI ang nakakatandang katutubo sa dalawang grupo, ang kalalakihan ay kay Calvin nagaasikaso pero may ilang babae ring naroon. Kay Carly naman ang puro kababaihan. Inayusan sila nito at dinamitan ng tradisyonal na kasuotan at palamuti ng ikakasal. Nang matapos ay nagtungo na muli sila sa stage na nakaayos na para sa seremonyas ng kasal. "Okay, ready na ba kayong makasaksi ng isang Palaw'an traditional wedding?" tanong pa ng host sa mga turistang audience at nagkantyawan naman ang ito. Hindi pa nagpapangita sina Carly at Calvin ngunit tila kinakabahan na sila parehas. Tatlong paghampas ng gong ang naging hudyat na ang kasalan ay magsisimula na. Unang lumabas at naglakad si Calvin patungong gitna ng stage kung saan naroon ang punong alabay na magkakasal sa kanila. Nagpalakpakan naman ang mga taong nanonood. May siga rin ng apoy malapit sa kanila na may parte rin sa gagawing kasalan. Wala man masyadong alam sa gagawin, ginagabayan naman siya ng punong alabay at susundin na lamang nila ito. Pumuwesto si Calvin sa tabi ng alabay, tila nagoobserba ito sa nangyayari. Ang ibang mga miyembro ng tribo ay nagpapatugtog sa gilid, ang iba ay kunwari panauhin. "Papasukin ang babaeng ikakasal!" tila pasigaw nitong utos ngunit malumanay lang ang pagsasalita. Nakita ni Calvin na naglalakad ang tribong kababaihan na may mga hawak na malalaking dahon ng anahaw, tila may tinatakpan sila rito. Bumibilis at lumalakas rin ang beat ng mga tugtog at dahan-dahan nilang inaalis ang dahon. Bumungad sa likod nun si Carly. At tila nangiti si Calvin sa itsura nito dahil napakaganda nito sa tradisyunal na kasuotan ng tribo.                       Nakahubad ang pang itaas na bahagi ni Calvin, tila nakabahag sa pambaba ngunit mahaba ito hanggang ankle niya. May mga nakasabit ring kung anong palamuti sa bewang niya, at kwintas na gawa sa mga pangil ng baboy ramo. Mayroon din siyang suot na mga bracelet na gawa ng mga katutubo mula sa mga iba't ibang materyales. Habang si Carly ay nakasarong na mahaba na nasasayad na sa paahan niya. May kwintas rin siyang perlas at iba pang kabibe. Puno rin ang braso niya ng mga bracelets at may head dress siyang gawa sa pinatuyong bakawan at may mga bulaklak na nakagay rin. Hindi napigilan ni Calvin na mangiti ng makita si Carly na ganito ang pustura. Tila nahihiya naman ito sa kanya at mga taong nanonood sa kanila. Tila nautusan na si Carly na maglakad sa aisle na puno ng mga bulaklak patungo sa tabi ni Calvin. Nangingiti na lamang din siya doon kahit pa nahihiya siya. "You look great." bulong ni Calvin at lalong nahiya si Carly rito. "Ehem! Bawal magsalita ang mga ikakasal habang seremonyas." saad naman ng alabay. Pumuwesto silang muli sa harapan nito at kumuha na ng mga dahon-dahon ang alabay at sinimulan ang isang dasal. Pinagaypay pa nito ang mga dahong hawak kina Carly at Calvin. "Ngayon, kunin mo ito." inabot kay Calvin ang dahon-dahon na hawak niya. "Ipaspas mo sa iyong asawa iyan ng tatlong beses." Kinuha naman ito ni Calvin at gayun nga ang ginawa niya. Kinuha ulit ng alabay ang mga dahon at iniabot kay Carly. "Ikaw naman, gawin mo rin iyon ng tatlong beses sa kanya." Inabot nga ni Carly iyon at ginawa ang inutos sa kanya. Kinuha ng alabay ang mga dahon at itinapon sa baga ng apoy na nasa malaking kawa. Lumakas ang siga nito na halos lagpas sa kanila kaya napatingin silang lahat doon. "Ngayon ay magharap kayong dalawa." gayun nga ang ginawa ng dalawa. "Tumingin kayo sa isa't isa na tila tinatangi niyo ang bawat isa." Gusto matawa ni Carly ngunit pilit niya itong pinipigilan, napapatikum bibig na lamang siya ngunit si Calvin ay nangingiti ng bahagya. "Maglapit kayo na halos isang dangkal na lang ang pagitan." ginawa naman ito ng dalawa at pinandidilatan naman ni Carly ng mga mata si Calvin. "Magdaupang palad kayo." nagtaas nga sila ng magkabilang kamay nila at pinagdikit ito. Napapatingin na lamang sila sa isa't isa. Nagtaas rin ng dalawang kamay ang alabay at itinapat ito sa kanilang dalawa, nagsambit ulit ng dasal ang alabay at nagtaasan naman ang mga kamay ng naroon na tribo. Tila inaalayan nila ang ikinakasal ng dasal at basbas dahil sumasabay sila sa dasal na nasa katutubong wika nila. Nang matapos ang dasal ay ibinaba na ng alabay ang kanyang mga kamay at dumilat. "Maaari na kayong humarap muli rito." utos sa nito sa dalawa kaya gayun rin ang ginawa ng mga ito. May lumapit sa kanilang isang babae at lalaki at nagabot ng tig isang bao na may lamang inumin. "Ngayon, kunin niyo ang mga inuming iyan." utos ng alabay at kukunin sana ito ni Calvin gamit ang isang kamay niya ngunit tinapik ito ng alabay kaya napatingin sila roon. "Hindi ganyan, dahan-dahan niyong kunin ng dalawang kamay niyo." Nauna si Calvin gumawa nito at sumunod naman si Carly. Parehas nilang hawak ang baong baso. "Ikaw lalaki, dahan-dahan mong painumin ang iyong kabiyak ng hawak mong inumin habang hawak mo lamang ito. Ingatan niyong walang matatapon o mabitawan ito." Nagharap silang dalawa nauna ngang uminom si Carly dahan-dahan sa hawak na baong baso ni Calvin. Habang ginagawa nila ito ay may sinasambit na namang mga katagan ang alabay na salin sa lingwahe nila. Nang maubos ang laman ay sinenyasan naman sila ng alabay na si Calvin naman ang uminom mula sa hawak ni Carly. Bumaba kaunti si Calvin upang magpangabot sa pagtaas lamang ng kamay ni Carly. Dahan-dahan nila itong ginagawa habang sumasambit ng katutubong lingwahe ang alabay. Nang matapos at maubos na ang mga laman nito ay sabay itong pinababa sa kanila sa maliit na mesang nasa gilid nila. Kinuha naman din itong muli ng nagdala sa kanila nun. Kasunod nun ay may nagdala naman ng dalawang kwintas na gawa sa iba't ibang uri at kulay ng bulaklak. Tila dinasalan ito ng alabay sa kanilang lingwahe. "Kunin niyo ang mga kwintas na yan at isabit sa leeg ng bawat isa. Mauna ka lalaki." utos ng alabay at gayun nga ang ginawa nila. Nagsabitan sila ng bulaklaking kwintas. "Ipakita mo ang kaliwang palad mo." pagtukoy nito kay Calvin kaya gayun ang ginawa nito sa kanya. "Ikaw naman, ipatong mo ang kanang kamay mo sa kamay niya." pagtukoy nito kay Carly kaya sinunod naman siya nito. "Ipatong mong muli ang kanang kamay mo sa kanang kamay niya, at pang huli ay ipatong mo sa itaas ng kamay ng kabiyak ang kaliwang kamay mo." Tila magkasalin patong ang kanilang mga kamay at may pinatong sa kanilang mga kamay ang isang magarang telang pula. Tila burda ito ng mga katutubo at pinatungan niya ito ng isang kahoy na inukit na magkasintahan. "Huwag dapat babagsak o mahuhulog ang anitong yan hanggang sa matapos ang dasal." utos ito ng alabay kaya tila mas na-tense ang dalawa na huwag gumalaw. Nagkakatinginan sila at halos hindi makahinga ng maayos dahil baka gumalaw ang nakapatong sa mga kamay nila. Nang matapos ang dasal ay inalis rin kaagad ito ng alabay at nakahinga naman na ng maluwag silang dalawa. Tila dinasalan at binasbasan silang muli ng alabay at nagpatunog na naman ng gong na hindi sunod-sunod. Saktong tapos ng dasal ay gayun rin ang paghinto ng paghampas sa gong. Dumilat ang alabay at ibina ang isang kamay niya. Sumenyas ito sa kanila na pumahid sila ng uling mula sa kawa at pahalang na ipahid sa kanilang mga pisngi. Ginawa ito ni Carly ngunit ng ipapahid na niya sa pisngi niya ay sinuway siya ng alabay sa pagtapik ng kamay niya. Natigilan naman siya at napatingin sa alabay. Tinuturo ng alabay na dapat kay Calvin niya ito ipapahid at nakuha naman din niya ito kaya ginawa na niya. Sumunod naman din si Calvin sa ganung gawain. Pinapaharap silang dalawa sa mga audience at gayun nga ang ginawa nila. "Sa ngalan ng makapangyariha ng bathala, ang dalawang ito ay ngayo'y iisa na!" sigaw nito at hinagisan naman sila ng mga bigas, butil ng palay at mga bulaklak. Nagpatunog ulit ng gong ng tatlong beses tanda na tapos na ang seremonyas ng kasal. "Mabuhay ang bagong kasal!" "Mabuhay!" Halos sigawan ng mga tribong naroon at mga audiences na masugid na nanonood sa ginawa nilang sermonyas. Nagkakatingin naman sina Calvin at Carly nangingiti dahil sa ginawa nila. Tila nagkakahiyaan naman din sila. "Kiiiss! Kiiisss!" sigawan at kantyawan naman ng mga audience na nasa harapan nila. "Kiss daw." tila pasimpleng bulong ni Calvin kay Carly. Napasimangot naman si Carly at tingin kay Calvin. Nangingiti naman si Calvin na tila nangaasar ngunit nakatingin sa audience. Habang nagmi-make face naman si Carly na naiinis rito. "Tumigil ka nga.." mariing bulong rin ni Carly. Hindi nila pinagbigyan ang hinihiling sa kanila at bumalik na sila sa kani-kanilang silid na pinasok kanina upang makapagpalit na rin ng kanilang mga damit. MATAPOS ang tour ay nagpupunas na si Carly ng pisngi niya sa may salamin ng kotse. Medyo makapit ang uling na pinagpahiran nila kanina. "Parang ang kapal talaga ng uling ng pinahid mo eh noh? Tagal maalis." pasaring pa ni Carly habang pinupunasan ang pisngi. "Sa akin rin kaya. Naghilamos na ko, tagal rin nawala." "Tss.." Nagbyahe na muli sila patungo naman sa susunod na destinasyon. "Wait!" saad naman ni Carly at napatingin sa kanya si Calvin. "Sandali, ipasok mo muna sa simbahan." "Sa simbahan? Bakit?" "Ano ka ba? Hindi ako nakakapagsimba masyado sa Manila, gusto ko naman masubukan dito." paliwanag pa nito. Pumasok naman din sila sa simbahan at pumarada. Naunang lumabas si Carly ng kotse at nagtungo na sa loob simbahan. Sumunod naman din kaagad sa kanya si Calvin. Natanaw ni Calvin na nakaluhod na si Carly sa bandang likuran lang din na seats. Sumawsaw siya sa holy water at nag-sign of the cross bago lumapit at lumuhod rin sa tabi ni Carly. Napansin niyang mukhang taimtim na nagdadasal ito kaya hindi niya ginambala. Pumikit na lamang din siya at nagsimulang magdasal. Lord, alam ko pong hindi ako palasimba, ni hindi rin ako paladasal sa inyo, pero may paniniwala pa rin po ako. Sana po gawin niyo lang kaming ligtas ni Carly hanggang sa maiuwi ko na siya. At sana, mapatawad niya ako kapag nalaman niya ang totoo. Tila saad ito ni Calvin ngunit hindi niya isinatinig. "Parang mas taimtim ka pa sa akin nung nagdadasal ah, ano bang mga pana langin mo?" panimula naman ni Carly habang naglalakad sila palabas ng simbahan patungo sa parking. "Hmm, wala naman. I just thank him and asked him to guide us, and keep us safe." "Ahh.." "Ikaw ba?" "Hmm.. Ganun din. Saka sana -- pagkabalik natin ng Manila, mapatawad nila ako." "Don't worry, they'll do." Napangiting pilit na lamang si Carly rito. Matapos nilang magsimba ay dumiretso na sila sa sunod na nga nilang destinasyon. Ang Palawan Museum. Pagpasok pa lamang nila doon ay tumambad kaagad rin sa kanila ang iba't ibang katutubong kagamitan ng mga tribong naninirahan sa lalawigan. Sa kaliwang banda ay nakita ni Carly ang tila isang historical at familiar na display na naroon. "Parang nakita ko na noon ang burial jar na ito noon sa National Museum sa Manila." komento naman nito. "Really?" binasa naman ni Calvin ang nakasulat sa information sa description ng displayed burial jar. "Yeap, the original burial jar was already in National Museum but it was found here in Palawan." "I see." Nagpatuloy sila sa paikot ng museo at panay kuha lang naman din si Carly ng litrato doon. Naka-display rin doon ang iba't iba uring yaman dagat at mga kakaibang uri pa mga nito. Namamangha sila rito kaya walang pinalampas doon si Carly. Kinalabit pa ni Calvin si Carly ng matigilan siya sa nakita. Isang giant clam na naka-display sa corner ng lugar. Tila para ito isang trono. "Try to sit there, I'll take a picture of you." saad naman nito kay Carly at kinuha niya ang camera nito. Walang reklamo na ring ginawa ito ni Carly dahil natutuwa rin siya ng makita kung gaano ito kalaki. "Teka, ganito ba?" at umupo ito ng parang nasa trono. "Another pose." utos pa ni Calvin habang kinukuhanan ito. "Ganito?" naupo ito na tila nakataas ang dalawang paa pagilid. Natatawa-tawa na lang si Calvin sa ginagawa nito habang panay lamang siya sa pagkuha. Nakakita pa sila ng mga preserved na hayop na matatagpuan lamang din sa Palawan kagaya ng mga naglalakihang pawikan na madalas sa mga karagatan rito nangingitlog at ang pangolin o ang armadillo. Nang umakayat sila sa pangalawang palapag, nakita kaagad nila ang tila iba pang mga sinaunang kasangkapan na natagpuan sa lugar, kagaya ng mga makalumang gamit sa bahay, kurbyertos, palamuti at kahit mga kanyong ginamit noong giyera. Kinuhanan naman ito ni Carly ng mga litrato at sa kabilang parte ay nakita rin nilang muli ang mas marami lang mga katutubong kagamitang nakaroon. Pati na rin ang mga likhang paintings ng tanyag na artists mula sa lalawigang ito. "Oh? She looks like the alabay of the Palaw'an tribe, right?" pagtukoy ni Calvin sa mannequin na binihisan upang magmukhang punong alabay. "Oo nga noh? Kakatuwa namang ganyan na ganyan pa rin ang itsura nila." sabay kuha pa roon ni Carly ng litrato. Hindi naman ganoon kalaki ang museong ito ngunit hitik sa laman at kasaysayan. Mabilis lang nila itong nalibot kung kaya't nagpasya na lamang silang maglibot pa sa kabuuan ng siyudad.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD