Part 9

2999 Words
BAGO PA MAN tuluyang umalis si Calvin ng kwarto ni Carly, tinulungan na niya muna itong tanggalin ang mga tsinelas na nakasuot sa mga braso niya. Inalis niya rin ang salaming suot pa nito. Ngunit ng mapagmasdan niya ang mukha nito, tila may kung anong kaba siyang nadarama. Tila nabibighani siya rito at naaakit na halikan. Ngunit kaagad niya rin napigilan ang sarili at nakabalik sa wisyo. Sa isip niya, kailan pa ba siya huling na-attract sa babae? Sa buong tala ng buhay niya, isang babae lang din ang tunay niyang minahal ngunit pinagpalit siya nito sa ibang lalaki. Simula noon ay nagsumikap na siya sa sarili niya upang maiangat ito. At ngayon nga ay nakakamtan na niya ang lahat ng naisin niya ngunit bakit pakiramdam niya ay hindi pa rin siya masaya? Pero ngayon, tila nakaramdam siya ng saya na hindi na niya maalala kung kailan pa siya nakaramdam nito. Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa magandang mukha ni Carly. Dinampi niya rin ang pisngi nito at bahagyang gumalaw ito kaya inalis niya rin ang kamay niya roon. Kinabukasan... Day 4 of 'Escape getaway' "Uhm.. Aahhhg!!!" paguunat pa ni Carly sa kama niya. Dahan-dahan naman niyang idinilat ang mga mata niya at nasilaw sa liwanag mula sa bintana niya. Inikot niya ang paningin at napagtantong nasa kwarto na nga niya siya. "Oh shocks!" biglang bangon siya ngunit napahinto rin. "Awww! Ulo ko!" bigla siya nakaramdam ng sakit ng ulo at hilo kung kaya't napahiga siyang muli. Nakasapo ang dalawang kamay niya sa ulo niya na parang mabibiyak sa sakit. "Hangover yan, wag ka muna masyadong kumilos." Out of nowhere na narinig niya kaya napatingin siya kung saan ito nanggaling. "I called a room service. Dito na tayo mag-breakfast." saad pa ni Calvin pagkasara ng pinto ng kwarto niya. "Anong ginagawa mo rito ah? Anong nangyari kagabi?" "First of all, I payed for this room. And as you can see, I did not sleep in here. I've got my own room next to it." "Oo na." "Well, you passed out last night. Sinukahan mo pa ko." "What? Sinukahan -- ako? Sumuka?" hindi naman ito makapaniwala. "Oh shocks! Nakakahiya!" bulong pa nito sa sarili at sinapo ulit ng mga kamay ang ulo niya. Matapos ang breakfast nila ay naghanda na sila para makapag-checkout. Habang kausap ni Calvin ang receptionist, dumungaw-dungaw naman si Carly sa kapaligiran ng resort pa. Sa isip niya, napakaganda rito at tiyak na gusto niyang balikan. Nagmuni-muni pa siya at ngunit tila may biglang naalala kaya tumakbo siya papalapit kay Calvin. "Calvs, one more thing. May gusto pa sana akong puntahan bago umalis rito." tila nangungusap ito at nagtataka namang tingin sa kanya si Calvin. "And where is it?" "Yehey! We're totally here!" halos lumundag na sigaw ni Carly ng matanaw na niya ang Enchanted River mula sa itaas na parte nito. "Ma'am, magiingat po kayo dyan. Madulas po ang lupa." pagpapalala naman ng tour guide nila. Ngunit tila hindi ito pinapakinggan ni Carly dahil sa pagkasabik na makalapit sa river. Nangunguna pa siya sa pagbaba sa hagdanang daanan rito. "Hey! Be careful!" pagkasaad ni Calvin na yun ay siya namang kamuntikan ng madulas mabuti at nakahawak siya sa tour guide na nasa likuran naman niya. Nauna ng nakababa si Carly at kaagad itong nagtanggal ng damit pang itaas, natira na lamang suot nitong shorts pa. Lumitaw ang bikini bra nito at parehong napatulala si Calvin at ang tour guide na kasama. Nang marinig ni Calvin na napalunok pa ang tour guide, tiningnan niya ito ng matalim at napayuko na lamang sa hiya. "Calv, tara! We could swim underneath and take some pictures of the fishes." pagaaya pa ni Carly rito habang hawak ang GoPro niya. Papalapit na sana siya kay Carly ngunit kinunan siya nito ng litrato ng hindi man lang handa. "Hehe okay lang yan, gwapo ka pa rin naman kahit hindi ready." sabay talikod nito at tanggal ng tsinelas at salamin niya. "Tara Calvs!" at tumalon na ito sa tubig. Wala na rin namang nagawa si Calvin kung hindi maghubad ng damit pang itaas at tumalon na rin sa tubig upang sundan si Carly. Tanging pagsunod lang kay Carly ang ginagawa niyang paglangoy. Alam naman niyang marunong itong lumangoy pero hindi pa rin niya inaalisan ng tingin. Nakita ni Calvin ang ilang taong nagbabaging at saka tatalon sa tubig. Tila nagkainteres siya rito. "Carly!" sigaw nito at napalingon naman ito sa kanya sa hindi kalayuan. "I have a better idea. Hindi ba't nasa list mo rin ang challenge yourself?" "How did you --" "Tara na!" Paglangoy nito pabalik kung saan sila tumalon at kahit nagtataka man, sinundan naman din siya ni Carly. "SURE ka bang safe toh? Hindi ba ko mamamatay rito?" kabadong tanong ni Carly habang nasa itaas naman na sila ni Calvin ng diving area. Natawa naman ng bahagya si Calvin. "Hindi naman. Basta kumapit ka lang mabuti dito sa tali then kapag nasa malapit ka na sa tubig, bumitaw ka na." "Gosh! Baka kung mapano bagsak ko? Natatakot ako, Calvs. Ikaw na lang!" tila magmamaktol nito. "Tss.. This is the real challenge yourself on your list." pagabot na niya ng taling baging kay Carly. Nangingig man ay inabot rin ito ni Carly at pumuwesto sa dulo. Napapatingin pa ito sa taas ng lalambitinan at tatalunan niya. Sa takot niya, napapapikit na lang siya. Pumuwesto si Calvin sa likuran niya at hindi niya maintindihan kung bakit sa pagdikit ng katawan ni Calvin sa likuran niya siya nanginig kaysa sa taas ng tatalunin. "Hawakan mo lang mabuti itong baging. Hanggat hindi ka nakakarating sa dulo, wag kang bibitaw. Kuha mo? " saad pa nito at pinakapit siyang mabuti sa tali. Tumungo-tungo na lang ito bilang pagsangayon. Hinanda naman ni Calvin ang GoPro ni Carly na ipangkukuha niya sa pagkakataong ito. "Okay, one -- two --" "Teka, teka!" "Three!" "Aaahhh!!!" Kahit pa hindi pa ito handa ay tinulak na siya ni Calvin kaya wala siyang nagawa kung hindi lumambitin sa baging. Nakukuhanan naman ngayon ni Calvin ang bawat eksena. At nang makarating sa dulo ay bumitaw na nga si Carly at nahulog sa tubig. Natuwa naman si Calvin sa ginawa niya dahil alam niyang nag-enjoy rin si Carly roon. Nakuhanan niya rin itong lahat bilang remembrance ni Carly. Nang makabalik ang baging ay kaagad ring lumambitin doon si Calvin habang kinukunan ang sarili sa GoPro. Bumagsak din siya sa tubig kung saan malapit si Carly. "Grabe ka! Ang sama mo! Hindi pa ko ready eh!" paghampas pa ni Carly ng tubig kay Calvin ng pareho na silang nakalutang roon. "Haha but did you enjoy?" Tumungo-tungo naman ito bilang tugon at hindi na rin napigilang mangiti. "Sometimes doing some things you are not little ready yet, helps you grow." "Uy may tatalon!" sigaw ni Carly habang nakatingin sa itaas nila at nakita rin ito ni Calvin. Mabilis namang niyakap ni Calvin si Carly upang hindi ito tamaan ng babagsak sa kanilang tao. "Ahhg!" Ngunit si Calvin naman ang nabagsakan sa balikat kung kaya't uminda rin ito. Nakita ni Carly ang reaksyon nito na tila nasaktan. "Ayos ka lang ba? Saan ka tinamaan?" pagaalala naman niya rito. "Sa balikat, pero okay lang naman -- ahh!" sinubukan kasi ni Carly na hawakan ito. Umahon na silang dalawa at napansin nga ni Carly ang pamumula ng balikat ni Calvin. Mukhang magkakapasa pa ito. "Thank you ah, napahamak ka pa tuloy." pagdampi niya ng yelo sa parteng natamaan kay Calvin. "Ahh, ihhssst. Wala yun. Basta ikaw. Baka mas mapauwi tayo ng maaga kapag ikaw pa napahamak." "Ikaw naman kasi eh." dinadampi-dampi pa ni Carly ang yelo rito ng madiinan niya ng hindi sadya. "Ahh!" reklamo ni Calvin at napahawak siya sa kamay ni Carly para mapigilan ito. "So -- sorry." nailang naman si Carly kaya napaatras siya at bawi sa kamay niya. Matapos nila maligo sa river ay nagiintay ngayon sila ng masasakyan papuntang pantalan. At mula roon ay sasakay na lamang sila ng ferry patungong Cebu. Hindi pa kasi sila maaaring makapag-book pa ng flights. "Hmm, bakit wala ka yata dalang bagahe?" pambasag na ni Carly sa katahimikan nila. Napatingin lang muna si Calvin sa kanya at saka bumalik sa pagkakatingin ng diretso sa daan. "Nadala na nila sa Manila eh. Noon kasing nag-text kang magkita tayo, akala ko naman may sasabihin ka lang kaya pinauna ko lang sila sa airport." "Ahh, so naunang nakapag-check in din yung bagahe mo bago ikaw noh?" Hindi na nakatugon pa si Calvin. "Eh di sana pinabalik mo? O di kaya ikaw na sana ang sumunod dun at pinahiram mo na lang ako ng pera di ba?" Napatingin naman ng seryoso si Calvin sa kanya. "Joke!" sabay peace sign ni Carly sa kanya sa daliri. Natahimik na silang muli at sakto namang may dumaan na habal-habal at huminto sa tapat nila. Napatingin roon si Carly at sa isip niya, ni hindi pa siya nakakasakay roon. "Kuya? Maihahatid niyo po ba kami sa pantalan?" tanong naman niya sa driver. "Abay oo naman. Sa pantalan lang pala eh. Gusto mo sa Tawi-tawi pa." biro naman ng driver sa kanila. Walang atubiling sumakay na sila roon ni Calvin. Parehas silang nasa loob at magkatabi ngunit tila wala na namang nagsasalita. "Okay ka lang?" tanong ni Carly dahil pansin niya umiiling si Calvin. "Ah, huh?" "Sabi ko, okay ka lang ba? Mukhang sumasakit ah?" medyo nilakasan nito ang boses niya upang magkarinigan sila dahil na rin sa ingay ng pagtakbo ng habal-habal. "Ahh, okay lang! Medyo kumikirot pero mawawala rin toh!" At dahil medyo malubak rin ang dinadananan nila, halos makalog naman silang dalawa sa loob. Nauntog pa ng malakas si Calvin sa bubungan dahil sa tangkad nito. Napahimas na lang din siya ng ulo niya. At sa ilang pakurbang daanan, laging kamuntikan pang lumabas si Calvin sa habal-habal mabuti na lamang ay nahaharang niya ang kamay at kapit na rin. Sa kanya kasi nadadantay si Carly rin kaya tila mabigat ang dala niya. "Thank you po manong." "Salamat rin po, mam, sir." saad pa nito bago umalis. "First time kong sumakay sa ganun. Nakakatuwa rin. Daig pa roller-coaster ride." tila natutuwa namang komento ni Carly. "Tss.. Never again." bulong naman ni Calvin na pilit itinatago ang pagkainis. Dahil mas lalong sumakit ang katawan niya sa pagsakay nila doon. "Wow? First time kong makakasakay ng ferry ah?" pagturo ni Carly at dumiretso na sila roon. Sinundan na lamang siya ni Calvin. Pagkabili ni Calvin ng tickets nila, pumasok na rin sila para makamakaupo kaagad sa pwesto. Dahil ubos na ang para sa high-end seat, regular na lang ang nakuha nila. "Sandali, dito ka muna ah?" "Where are you going? Baka umalis na tong ferry?!" "Saglit lang!" Tumayo at lumabas nga si Carly ng ferry pa. Sinundan naman siya ng tingin ni Calvin hanggang sa nawala na ito. Ilang minuto ang nakalipas ay nakita na rin ni Calvin na pabalik na ito sa kinauupuan nila ngunit pansin niyang madami itong dala na. "Excuse me, excuse me po." pakikipagpatintero pa nito hanggang sa makaupo sa pwesto niyang malapit sa bintana. Napatingin naman si Calvin sa mga dalang plastic bag nito. "Hubad." saad ni Carly at nanlaki naman mata ni Calvin rito at napatitig lang sa kanya. Napahinto naman si Carly at tila nagtataka rin bakit hindi pa siya sinusunod nito. "Oh? Sabi ko maghubad ka na." "Ba -- bakit?" "Bakit alin?" "Bakit dito mo ko gustong pagsamantalahan?" tila nangaasar pa ito pero seryoso pa rin ang reaksyon, hindi niya pa rin mawari kung bakit siya pinaghuhubad nito. "Sira ulo ka ba? Lalagyan lang kita nito oh!" sabay labas ni Carly ng salonpas mula sa plastic bag na dala. Tila natauhan naman si Calvin ng makita ito. "Sige na, maghubad ka na kasi hindi ko naman mailalagay toh ng may damit ka!" utos pa nito kay Calvin kung kaya't naghubad na rin ito ng pang itaas na damit. "Aray, aray!" reklamo pa ni Calvin ng tinatapalan ni Carly ang likod niya ng salonpas. "Dito ba? Saan pa masakit?" "Dyan, dyan banda." At nang mailagay ng lahat ni Carly yun ay nagbihis na rin si Calvin. Sakto namang paalis na rin ang ferry nila. Habang nasa byahe, nakatanaw lang sa bintana ng ferry na sinasakyan nila si Carly. Purong malawak na karagatan lang ang natatanaw niya at halos tangay lahat ng buhok niya sa lakas ng hangin. Tila nagmumuni-muni at minamasdan ang ganda ng langit at dagat. Pakiramdam niya ay isa siyang ibon ngayon na nakalaya. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataong nakagala siya na hindi kasama ang pamilya. Pakiramdam niya malaking accomplishment na ito sa kanya. Napalingon naman siya sa tabi niya at nakitang mukhang tulog na si Calvin. Nakaupong tuwid pa rin ito at sandal ngunit natutumba-tumba ang ulo dahil na rin sa paggalaw ng ferry. Tila naawa naman siya rito at sinubukan niyang isandal na lamang ito sa balikat niya. Dahil mas mataas ito sa kanya, sa uluhan na lang niya ito naisandal. Kung hindi dahil sa kolokoy na toh, baka napauwi na ko sa Maynila ngayon at abala na naman kami sa nalalapit naming kasal. Nakatulog na rin siya makalipas ng ilang minuto. Mahaba-haba pa ang babyahiin nila, kailangan nilang makabawi ng lakas. Naalimpungatan si Carly na medyo madilim na ang paligid. Gabi na siguro at mukhang napahaba ang tulog niya. Pero noong pabangon na siya ay napansin niyang siya na pala ang nakadantay sa dibdib ni Calvin. Nais niya sanang lumayo kaso naramdaman niyang nakadantay ito sa uluhan niya. Mukhang tulog pa ito kung kaya't minabuti niyang hindi na lamang gumalaw. Napansin niyang nakayakap pala itong mabuti sa kanya. Para rin siguro hindi sila parehas mahulog sa kinauupuan. Sa isip isip niya, bakit ganito na lang siya paalalahanan at alagaan ni Calvin? Ay, ano ka ba Carly? Syempre kasi fiancé ka niya na magse-secure ng posisyon niya rin sa kompanya nila. Kapag may nangyaring masama sayo, baka lalong ma por nada ang ambisyon niya. Yun na lamang ang sumasagi sa isip niya kung kaya't nababalewala niya ang nararamdamang kakaiba rito. Alam niyang dahil sa business at pamilya nila kung kaya't mabait ito sa kanya at nais siyang tulungan sa mga gusto niyang gawin. Ilang sandali pa ay nakatulog ulit si Carly sa dibdib ni Calvin. Hindi niya mawari kung bakit komportable siya sa ganitong pwesto. Day 5 of 'Escape getaway' *Eeeng!!! Sabay pa silang nagulat ng marinig ang malakas na busina ng mga barko at ferry na sinasakyan nila. Napansin rin nilang madilim pa kung kaya't napatingin si Calvin sa relos niya. "Three in the morning." "Dito na ba tayo?" pumupungas pang tanong ni Carly. Napatingin si Calvin sa paligid at mukhang naghahanda na ang lahat sa paglisan sa ferry. "Yes, let's go." Nang makababa na sila ng ferry sa Mainit Port, natigilan naman sila sa pantalan pa rin. "Now what?" tanong naman ni Carly na mukhang antok na antok pa. "Let's ride a taxi to the city, and from there we can start your --" napatingin naman si Calvin kay Carly na nakatayo man ay pikit naman din. "Hey?!" tila paggising niya rito. "Uh huh?" tila pagbalik sa wisyo nito ng marinig si Calvin. "What's our point of destination"? "Ahh, wait." tila pagdukot pa nito ng phone niya sa maliit niyang bag. "Hmm sa Kawasan falls at Oslob." "Oslob? We're here at Mainit Port, it's just a boat ride away going to Sumilon Island. You wanted to do the --" "Yes! So, let's go!" tila na-excite naman si Carly at nauna ng pumunta kung saan. Dahil sa isang sakay na lang ng bangka ang kailangan nila para makarating ng Sumilon Island, naghanap na sila kung saan maaaring makasakay at nakahanap rin naman sila. May iba rin silang kasabay na mga turista na malamang ay doon rin ang punta. Habang nasa byahe na naman sa karagatan ay nasaksihan nila ang pagbukang liwayway. Dahil nakaupo si Carly sa unahang upuan nasa likuran naman niya si Carly. Napatingin naman si Calvin sa kanya dahil nasa bandang gilid rin siya. Napansin niyang tila enjoy ito sa paghampas ng hangin sa mukha niya kahit pa tangaw sa likuran nito ang buhok ng dalaga. "Calvs, look oh?" pagturo pa ni Carly kung nasaan ang papasikat na araw sa gawing kanan nila. "Mas maganda pala talaga ang sunrise kapag nasa gitna ka ng dagat noh?" Hindi naman makasagot si Calvin sa kanya dahil imbes sa araw ito nakatanaw ay kanina pa pala nito minamasdan lang si Carly. "Huy, nakikita mo ba yung --" napalingon naman na siya sa gawi ni Calvin at nakita niyang nakatitig lang pala sa kanya ang binata. Nagkasalubong ang mga mata nila at hindi malaman ni Carly kung bakit bigla siyang kinabahan. Hindi naaalis ang mga tingin ni Calvin sa kanya na sinisigurado pa niya kung sa kanya nga ba ito nakatingin. "Oo, maganda." sagot naman ni Calvin sa kanya na halata ang aliwalas ng mukha. Tila naginit naman ang mukha ni Carly kung kaya't mabilis itong tumalikod roon. Baka makita ni Calvin ang pamumula ng mukha niya. Nagtaka naman siya kung bakit ganoon ang turan sa kanya nito. "Ah ehem! Oo nga. Ang ganda ng sunrise." yun na lamang ang nasabi niya at hindi na niya muling nilingon ito. Ni hindi na siya makagalaw sa kinauupuan dahil pakiramdam niya, nakatingin lang si Calvin sa kanya. Makalipas pa ang ilang sandali ay nakarating na rin sila sa Sumilon Island. Pareho pa silang nagunat-unat dahil sa tagal ng pagkakaupo sa bangka. Nakapunta na rin sila sa isang resort doon at kaagad na nag-book si Calvin ng mga kwarto nila. "What? There's no more rooms?" "I am so sorry sir, we're already fully booked. But there's only one room left, and it's in double size bed." saad pa ng receptionist. Napabuntong hininga naman si Calvin dahil isang kwarto na lang pala ang natitira sa resort. Napalingon naman siya kay Carly na abalang kumuha ng pictures sa lugar. "Okay sige. I'll get that room. But once na may mag-checkout, let us know, okay?" "Sure sir. Just a moment please."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD