"Naaalala mo 'yung kanina?" "Alin do'n?" tanong ko kay Cash. Magkausap kami sa phone ngayon habang naglalakad ako palabas ng building. Hindi pa rin ako maka-get over sa mga ngiti ni Eric sa'kin. Pero mas hindi ako maka-get over sa itsura niya kanina habang inaasar namin siya ni Cash. "No'ng sinabi ko sa'yo kanina na ask him something that will make him conscious." "O, bakit?" pagtataka ko. "Bigla mong tinanong kung malapit kayo sa building ng Samsung. Ang inaasahan ko talaga, tatanungin mo siya kung anong pangalan niya." Natawa ako bigla. "Abnormal. Para saan nga ba kasi 'yon?" "To make him conscious nga, e. Para 'yon ma-divert ang atensyon niya sa paligid niya. Kapag hinayaan mo kasi siyang lamunin ng thoughts, baka magka-attack na naman siya." May isang itim na kotseng pumarada s

