"Saglit lang. 'Wag kang aalis," sabi ni Cash habang pinaparada ang kotse niya sa pinaka-malapit na Mercury Drugstore. TAE. MABUTI NA LANG TALAGA. Mabuti na lang at nagsumbong si Jace kay Cash no'ng sinabi kong may balak pa ata 'yung kapatid nilang impakto na kidnapin ako. At mabuti na lang din, naisip agad ni Cash na sa condo niya ako dadalhin kaya nag-abang na siya agad do'n. Kaya naman no'ng magte-text pa lang dapat ako kanina, nabasa ko na agad 'yung text ni Cash na nakikita na raw niya 'yung kotse ni impakto na paparating at bumaba daw agad ako sa oras na i-unlock niya. At ganoon na nga ang ginawa ko. MABUTI NA LANG TALAGA. "Battery empty na ako, Buko," sabi ni Cash nang ibaba ko ang bintana. Nakalabas na kasi siya at kumatok sa side ko. "Pahiram muna ng phone mo, tatawagan ko lang s

