I'm trying. Gusto ko mang ipilit sa sarili ko na hindi dapat ako nagpapaapekto, may mga slight changes pa rin sa emotional state kapag napapadaan kami sa isang subject na konektado sa relasyon namin. At masakit 'yon, sobra. Kasi hindi niya naaalala. Caramel and Macchiato have been our endearment. Imagine how he laughed hearing that, like the thought sounded so ridiculous in his ears. Nasaktan ako do'n. Paano kung isang araw, maalala niya ang lahat, tapos ma-realize niyang this is something he doesn't want to go back to anymore? Na nadala lang din siya ng asaran namin? Ng kakulitan ko? At dahil araw-araw kaming magkasama no'n, feeling niya mahal na niya ako pero hindi lang pala siya sanay na wala ako? Hinapo ko ang dibdib ko at tahimik na pinaagos ang luha. Huminga ako nang malalim, paran

