"Hindi naman kasi siya nagka-amnesia by hitting his head. Kaya beating the living s**t out of him wouldn't do us well. Baka lalo niya lang ikapahamak 'yon, Buko." Hindi ko malaman 'tong si Cash kung kakampi ko ba o ano. Tinatanong ko lang naman kung babalik na ba ang memory ni Eric kapag pinabugbog namin siya. Tapos parang tinatawanan niya pa 'yung idea na 'yon. "Kasi ganoon 'yung mga nasa palabas, 'di ba? Usually 'yung mga nawawalan ng ala-ala, when they hit their heads pretty hard, the memory comes back." "We're in the real world, Buko. At sa totoong buhay, bihirang mangyari 'yang ganiyan. Kagaya ng sabi ko sa'yo noon, babalik lang lahat ng memories niya kapag napag-desisyunan na ng psychological state niyang maalala ka. Siguro hindi pa siya handa." "Kailan naman siya magiging handa?"

