“Hindi mo alam kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko na hindi ka galawin Tin dahil ayaw kong isipin mong....” “Gusto ko Rik. Gustong-gusto. Please.. do what you want. Angkinin mo ako kung gusto mo at kahit kailan hindi ko pagsisisihan ang gagawin natin.” “Pero Tin—” pinutol niya ang gustong sabihin ni Riki. Ayaw niyang marinig kung ano man ang magiging dahilan nito. Positibo man 'yon o negatibo. Pinagpalit ni Riki ang posisyon nila. Napangisi pa siya ng mapagtanto niyang siya na ngayon ang nakadikit sa malamig na ding-ding. Amoy na amoy niya ang hininga nitong amoy alak. Wala siyang paki-alam dahil kahit medyo nawawala na ang talab ng wine na nainom niya kanina nalalasing parin siya dahil sa mabangong hininga ni Riki na sinasalubong ng matangos niyang ilong. Ikinawit niya sa leeg n

