“Pinaka-ayaw ko sa lahat ay yo'ng nag lalasing ka. Hindi mo nako-kontrol ang sarili mo kapag nakaka-inom ka.” mariing paninermon sa kanya ni Riki habang nasa byahe sila. She didn't even know where they were going. Napalunok siya ng lihim habang tinatansya ang gagawin niyang pangangatwiran. Hindi pa siya naka-recover dahil sa ginawa nito sa kanya tapos ngayon hindi niya pa alam kung saan siya nito dadalhin. “Konte lang naman yo'ng ininom ko at saka—” “Kilala kita, Tin.” putol nito saka siya tinignan. Hindi masakit at hindi rin nakakamatay. May halong pagnanasa kumbaga lalo nang basta siya mapangisi at naging dahilan ng pagkagat niya ng kanyang ibabang labi. “Ikaw naman kasi ang dahilan kung bakit ako nalasing agad eh!” asik niya. Medyo nakakaramdam pa siya ng pagkahilo. Nasa katawan

